PiII 49 Buko

736 69 8
                                    

Pakiplay po ang song sa gilid entitled BUKO BY JIREH LIM, sana magustuhan niyo. 

------------------------>

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Tila bang naging estatwa ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa at walang umiimik. Sana ganito na lang kami hanggang mamaya dahil hindi ko alam kung ano ang sadya niya rito at kung paano siya napapunta rito ni Daddy. Maya-maya ay binasag na ni Krissa ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Una sa lahat, humihingi ako sayo ng kapatawaran dahil hindi ko man lang pinakinggan yung side mo at alam ko ring mali ako dahil nagpadala ako sa emosyon ko na naging dahilan para magkasiraan tayo. Salamat sa parents ko dahil tinulungan nila akong iparealized sa akin na mali ako. Tsaka pumunta rito sa amin si Shelly para sabihing mali ang inaakala ko na may relasyon kayo. At higit sa lahat sorry dahil agad akong bumitiw, LASH, I still LOVE YOU. I LOVE YOU sana may balikan pa ako." Sabi niya habang may dumadaloy na luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi ko kayang makitang umiiyak siya kaya ang tanging paraan lang para i-comfort siya ay bigyan siya ng hug. Habang nakayakap siya sa akin ay hindi na niya napigilang humagulgol.

"EYE, kahit na nagkamali ka at nagkasala sa akin ay hindi naman ako nagalit sayo eh. Ang iniisip ko ay sana marealize mo na mali ang akala mo at sana Mahal mo pa rin ako. Nagdusa ako sa sakit ng pusong nararamdaman ko pero ok lang yun at least bumalik ka na sa akin. At maaari na nating ayusin ang mga bagay-bagay tungkol sa ating dalawa. I still love you at Mamahalin kita habang nabubuhay ako." Sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay nagulat ako dahil bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Kaya naman pinatayo ko siya kaagad.

"Krissa, hindi mo dapat gawin iyon. Ang mahalaga sa akin ay nagkabati na tayo at maayos na ang lahat kaya huwag mo ng isipin pa yung mga past let's move on." Sabi ko habang nakahawak sa magkabilaang balikat niya at umupo kami sa may kama.

"Kean, ang swerte ko dahil ikaw ang naging boyfriend ko. Almost perfect ka na, kahit na ako ang nagdulot ng problema na kinaharap natin ay hindi ka pa rin sumuko. Napakatatag mo, hangang-hanga ako sayo. Thank God dahil binigyan niya ako ng boyfriend na Mamahalin ako habang buhay." Sabi niya ng nakayuko at tila nahihiya.

"Sabi ko kasi sayo na kahit anong problema ang kaharapin natin ay dapat huwag tayong susuko. Kaya sa susunod dapat stay strong wala susuko okay?" Sabi ko at hinawakan ko siya sa kanyang baba at itinaas ang kanyang ulo sa pagkakayuko.

"Thanks ah? Sana ako naman ang makabawi sa susunod. Ok na ba tayo?" Tanong niya marahil naguguluhan siya sa status namin hanggang ngayon.

"Ikaw? Gusto mo pa bang ituloy yung lovestory natin?" Tanong ko sa kanya para siguraduhin kung gusto pa nga niya.

"Syempre naman gusto ko. Ano? Tuloy ba?"

"Gusto ko rin, kaya tayo na ulit ok? Kaya sa susunod never give up at maraming namamatay sa maling akala." Sabi ko at nahiga ako sa may kama.

"Oo na, kaya marami akong natutunan sa problema nating ito. Don't worry, this is the last tme." At nahiga rin siya sa may kama.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Naalala kong itanong kung paano siya napapayag ni Daddy kaya tinanong ko siya.

"EYE, matanong ko lang kung paano ka napapayag ni Daddy na pumunta rito at alam mo ba kung paano niya nalamang may problema tayo?" Tanong ko habang magkayakap pa rin kami.

"Gusto mong malaman? Ganito kasi iyon ......" at nagkwento na nga siya

*flashback*

Nasa amin si Shelly para ilahad sa akin ang katotohanan sa aking mga maling akala. Pinakinggan ko naman siya.

"Narito ako senyo ngayon para sabihing wala kaming relasyon ni Kean. Nagkakamali ka sa akala mo kaya naman nandito ako para ituwid iyon. Nagpapasalamat nga ako sa boyfriend mo dahil binigyan niya ako ng tip para makapagsimulang magbago. Nagawa ko naman iyon at 2 tao na lang ang hindi ko nahihingan ng kapatawaran. Ikaw yun at si Shana. Kaya uumpisahan ko na sayo. Sorry sa mga maling nagawa ko sayo, ang mga pananakit at kung ano pa man iyon. Sana mapatawad mo ako dahil ngayon ay gusto ko ng tahakin ang tuwid na landas. Mapapatawad mo ba ako?" Sabi niya habang nakaupo kami sa may sala.

"Shelly, matagal na kitang pinatawad kaya kung ano man ang bumabagabag sa iyo, kalimutan mo na iyon. Tsaka salamat dahil pumunta ka rito para linisin ang pangalan niyo ni Kean. Ano friends?" Pang-aalok ko sa kanya.

"Friends!" Tapos nagshake hands kami at kumain ng meriendang gawa ni Ate Kylie.

Matapos ang mahaba-habang kwentuhan ay umalis na siya at hiningi niya sa akin ang address ni Shana. Pagkaalis niya ay biglang nagring ang phone ko. Dahil unregistered number ay hindi ko kaagad sinagot. Sa second call niya ay sinagot ko na.

"Hello? Sino po sila?" -ako

"Krissa? Daddy ito ni Kean, maaari ba akong humingi sa iyo ng pabor? Napag-alaman ko kasi na mayroon kayong hindi pagkakaintindihan na masyadong dinibdib ni Kean sabi sa akin ng Mommy niya kaya pwede bang pumunta ka rito?" -Daddy ni Kean

"Willing po ako, alam ko po kasing ako ang may kasalanan ng lahat kaya gusto ko rin pong maitama iyon. Saan po ba iyan at kailan?" -ako

"Itetext ko na lang sayo, don't worry about the expenses ako na bahala dun. Sigurado akong matutuwa ang anak ko. Salamat hija." -Daddy niya

"Your welcome po!" -ako

Tapos in-end na niya yung call. Nung mareceive ko yung time, date at place ay naghanda agad ako.

*end of flashback*

"Oh alam mo na ang story? Mommy mo ang nagsabi sa Daddy mo kaya dapat magpasalamat tayo sa kanila." Sabi ni Krissa at bumangon sa aming pagkakahiga.

"Tama ka diyan, kaya halika na sa baba." Pag-aaya ko sa kanya at bumangon na rin ako.

Dumiretso na kami sa may lobby ng hotel dahil malamang kumakain na sila ng breakfast.

**************

Elmo's Note:

Hanggang dito na lang muna po. Exams na namin kaya hindi ko alam kung kailan ulit ako makakapag-update. Salamat sa aking mga new readers, sana dumami pa kayo at sa mga followers na bago salamat din.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now