PiII 9 The Way You Look At Me

1.4K 125 42
                                    

Kean's POV

Ngayon ko yayayain si Krissa para manood ng Sine. Ipagtatapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Sana tanggapin niya ang pag-ibig ko sa kanya.

Sa school ....

"Krissa, anong oras yung last subject mo?"

"2pm pa bakit?"

"Ah, pwede ka bang yayain para manood ng sine?"

"Ok lang sa akin basta ikaw hahaha! Sige mauna na ako bye!"

"Sige bye! Ingat ka ah"

Buti na lang at pumayag siya kung hindi, balewala ang plano kong pag-amin sa kanya.

After ng klase niya ay dumiretso agad kami sa sinehan. Guess what kung ano ang pinanood namin? Hahaha, secret walang clue :)

"Tara bili muna tayong pagkain sa baba para naman hindi ako mabagot habang nanonood" yaya niya

"Oh sige para may kainin tayo tsaka mas masarap nga namang manood kung may kinakain ka ." Sabi ko

After naming mamili ay bumalik na kami at eksakto start na yung palabas.

"Habang nanonood kami ay naiiyak-iyak pa si Krissa, bakit ganun yung mga babae? Mabilis matouch sa story."

Pakiplay po yung music sa gilid entitled THE WAY YOU LOOK AT ME BY CHRISTIAN BAUTISTA enjoy :) 

----------------------------->

"Habang nagpeplay yung song ay hindi ko maiwasang makarelate."

"Eto ang nababagay na song para sa akin sa pagtatago ng feeling sa kanya siguro eto na nga yung right time para umamin ako sa kanya."

"Kasi pareho lang naman kaming may pagtingin sa isa't isa sa tingin ko kaso nahihiya lang kaming aminin iyon."

"Krissa, may sasabihin ako sayo."

"Ano naman iyon Kean?"

"Sana sa sasabihin ko sayong ito huwag kang magagalit sa akin, tsaka sana tama ang hinala ko."

"Hindi naman ako magagalit sayo kung hindi ako masasaktan sa sasabihin mo tsaka anong hinala ba iyan?"

"Ah ok, wait lang eto na sasabihin ko na sayo"

"Ok, nakikinig lang ako"

"Sige eto na, matagal ko na sanang sabihin sayo ito. Nung una kala ko lumiligaya lang ako kapag kasama kita at your fun to be with lang pero one time narealized kong mas higit pa pala roon ang nararamdaman ko para sayo. The way you look at me, kapag hindi kita kasama napakalungkot ko at lalong lalo na kapag hindi kita nakikita o nakakasama man lang sa bawat araw. Ngayon naglakas loob na ako para sabihin ko ito sayo. Krissa, mahal na mahal kita."

"Alam mo Kean, dapat dati ka pa nagtapat dahil matagal ko na ring gustong sabihin sayo na mahal na mahal din kita kaya naman natutuwa ako dahil inamin mo na sa akin."

"Salamat Krissa, pinaligaya mo talaga ako ng husto ngayon." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit

"Ikaw din pinaligaya mo ako Kean."

"So, tayo na?"

"Aba, agad-agad? Ano ito pbb teen? Masyado ka yata excited diyan hindi ako easy to get noh kaya manligaw ka muna!"

"Oh sige hahaha, basta sa akin ka lang magpapaligaw ah?"

"Syempre naman!"

Then we hug each other. Hindi namin napansin na tapos na pala yung palabas at kami ay nakalagay sa screen tapos may heart yung picture namin ang caption ay sweetest couple hahaha. Nagsasuggest pa nga ng kiss yung mga tao kaso hindi pa pwede hindi ko pa naman kasi siya girlfriend. Sayang!

Then, hinatid ko na siya sa kanila at ang balak ko ay haranahin siya bukas. Sana magustuhan niya.

*************

A/N : ang sweet naman nila noh? Nakakainggit hahaha!

Comment and Vote! 

Be a fan na rin.

No one is hopeless whose hope is in God.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now