PiII 25 Grenade

858 83 10
                                    

Pasensya na kung ngayon lang ulit nakapag-update sana magustuhan niyo po yung update ko.

Pakipromote naman sa iba yung mga stories ko kung ok lang sa inyo. Huwag magsasawa.

Salamat sa mga masugid kong mambabasa! Here is my update!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled GRENADE BY BRUNO MARS, hindi ko alam kung paano ko siya irerelate dito kaya naman no choice ako kundi gawin itong pang-background music. Enjoy LISTENING while READING. 

-------------------------->

Shana's POV

Hindi ko alam na may manliligaw pala itong si Krissa, hindi man lang niya nabanggit sa akin. Nagulat tuloy ako ng sagutin niya ito pero wala naman akong magagawa nagmamahalan sila eh tsaka hindi naman ako nagtatanong about sa lovelife niya.

Buti pa siya eh natagpuan na niya yung right guy para sa kanya. Sana maging masaya sila. Naalala ko tuloy si Chinito guy, saan kaya siya nag-aaral? Magkita pa kaya kami? Sana!

Natutuwa naman ako dahil tinawagan ako noon ni Krissa para ipaalam sa akin na may Date sila ni Kean, trustworthy naman ako tsaka loyal kaya naman mapagkakatiwalaan niya ako sa mga bagay-bagay. 

Want to know kung ano-ano yung pinag-usapan namin?

*flashback*

"Hello Shana! May sasabihin ako sayo bilis!" Pagmamadaling sabi ni Krissa

"Ano ba iyon? Mukhang tuwang-tuwa at excited ka diyan ah, bilis sabihin mo na."

"Niyaya ako ni Kean na magDate daw kami! As in, Our First Date as a Couple, can't wait hindi tuloy ako makatulog."

"Hahaha! Goodluck sayo Girl, i-enjoy mo lang iyan. Tandaan mo, Ingatan mo yung sarili mo dahil baka mamaya eh may dala ka ng TROPHY kapag balik mo dito ah." Pagbibiro ko sa kanya, masaya na ako dahil nakikita kong masaya yung kaibigan ko

"TROPHY ka diyan, matino akong tao noh? At hindi naman ako papayag na gawin niya sa akin iyon baka mabengga ako nito sa Parents ko kung magkagayon."

"Joke lang naman iyon, uwian mo na lang ako ng kahit ano haha :)"

"Hehe, walang nabibiling kahit ano basta I'm so excited Shana! Sige, goodnight!"

"Good night!"

*end of flashback*

Oh diba? Naiinggit tuloy ako dahil ako ay wala pa ring lovelife. Kailan kaya ako magkakaroon nun? Maybe someday! Haha :D

Makapaglibot nga sa may park, wala akong magawa sa bahay ngayon eh bibili na rin ako ng paborito kong COTTON CANDY! Haha :D

Pagdating ko sa Park ay namasyal ako. Habang naglalakad ako ay may nakita akong batang lalaki na umiiyak sa may bench kaya nilapitan ko.

"Bata, bakit ka umiiyak?" Sabay luhod para maging magkapantay kami

"Kasi po, nawawala po ako, nagkahiwalay po kasi kami ng Kuya ko huhuhu!"

"Ah ganun ba? Gusto mo bang hanapin natin yung Kuya mo? Tutulungan kita."

"Ay sige po, salamat po! Ay Ate, bakit nakasalamin ka? Malabo na ba yung mata mo?" Sabay turo sa may mata ko

"Ah oo eh, ano tara na?" Yaya ko sa kanya

"Sige po, pero Ate mas maganda ka kung hindi ka nakasalamin."

Aba, dalawa na silang nagsasabing maganda ako kapag hindi nakasalamin. Siguro nga, hehe.

"Guchi, mabuti na lang nakita kita kundi lagot ako kila Mommy nito." Sabay lapit nung kuya niya. Hindi ko nakita yung mukha niya agad dahil nakatalikod ako.

"Kuya!" Sabay takbo ni Guchi daw sa kuya niya habang nakatalikod pa rin ako sa kanila.

"Mabuti na lang at ligtas ka, siya ba yung tumulong sayo? Tara magpasalamat tayo sa kanya." Then naramdaman kong papalapit na sila sa akin. 

Hindi ako makaharap sa kanila dahil ayaw kumilos ng aking mga paa.

Then, nang hawakan nung guy yung balikat ko ay humarap na ako sa kanila.

"Chinito Guy?" Sabi ko na tila gulat na gulat

*************

A/N :

Kilalanin kung sino nga ba si Chinito guy sa susunod na chapter.

Abangan .....

So keep your head high, keep your chin up, and most importantly, keep smiling, because life's a beautiful thing and there's so much to smile about.

Comment and Vote!

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now