PiII 84 Ikaw Na Nga

520 61 2
                                    

Sino na nakanood senyo dyan ng She's the One? Itaas ang kamay! Hahaha :D

Kaya pala maraming nahuhumaling sa She's the One kasi maganda nga talaga maski ako nagandahan noong pinanuod ko. The Best!

Malapit-lapit na pong matapos ito kaya po stay tuned! Keep reading!

Ate Kylie's POV

Dahil nga sa nangyari ay parang ayoko ng ituloy ang aking Kasal dahil ayokong magdiwang at magpakasaya habang nakikita ko ang kapatid kong nalulungkot at iyak nang iyak. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya, malamang ganyan din kagaya sa kanya ang gagawin ko.

Nag-iisipan ako at nagmumuni-muni nang biglang nilapitan ako ni Krissa sabay sabing, "Ate Kylie, bukas na pala yung Kasal mo noh? Congratulations ulit!" Sabi niya sa akin na parang tuwang-tuwa pero I know deep inside malungkot iyan.

"Ay oo nga noh? Hehe salamat! Kaso may problema pa tayo eh! Siguro, ipapacancel ko muna yung Kasal ko hanggang hindi pa natin nakikita si Kean. Ayaw ko namang magpakasaya kung ang kapatid ko ay malungkot." Sabi ko at nilapitan siya then I hug her. Eto lang kasi ang alam kong way para macomfort ko siya.

"Naku ate huwag mong ipakacancel yung Kasal mo! Ayun ang pinakamahalagang araw para sa mga babae na maikasal sila sa taong Mahal nila." Sabi niya at kumawala sa aking pagkakayakap.

Hindi ko napansin na lumapit sa amin si Tita. "Oo nga Kylie, ituloy mo yung Kasal mo. I'm happy for you!" Sabi ni Tita at niyakap ako as a sign na Congratulations.

"Thanks Tita, Salamat Krissa!" Sabi ko then naggroup hug kami.

Tapos pagkauwi namin ay naghanda ako para sa Kasal ko bukas. I check kung wala na bang kulang sa mga gagamitin ko at lahat ng bagay na dapat kong asikasuhin ay inayos ko na then beauty rest.

Fast forward po... 

The wedding...

Eto na ang pinakahinihintay kong araw, ang maglakad sa altar patungo sa aking mapapangasawa upang mag-isang dibdib at harapin ang bagong buhay ng magkasama.

Naglakad na papasok yung mga flower girl, tapis ring bearer at yung mga abay. Invited ang barkada ni Krissa at siya ang bride's maid at si Kristoffer ang groom's man.

Eto papasok na ako sa loob kasama ko sa magkabilang gilid sina Mama at Papa upang ihatid nila ako patungo sa aking groom. Tapos habang naglalakad ako ay may kumakanta ng theme song namin ni Kline...

Pakiplay po yung song sa gilid entitled IKAW NA NGA BY WILLIE REVILLAME... 

------------------------------->

♪♪♪♪♪♪ 

Parang biro lamang 

Dumating and tulad mo 

At may isang pag-ibig 

Na tapat at totoo 

♪♪♪♪♪♪

"Alam mo bang hindi ko ineexpect na ikaw at ako magkakatuluyan sa huli dahil alam kong mas lamang sa akin si Lara itsura pa lang talo na ako. Pero kakaiba talaga ang kapangyarihan ng love noh?"

"Nadaanan ko ang aming mga kamag-anak at yung mga friends ko kaya todo ngiti naman ako."

♪♪♪♪♪♪ 

Dahil sayo'y naramdaman 

Ang tunay na pagmamahal 

Iibigin kita 

Kahit sino ka man 

♪♪♪♪♪♪

"I promise to myself na hindi ako iibig sayo dahil hinihintay ko ang first love ko noon at ayokong manloko ng tao. Until one day, nafall ako sayo at napag-alaman kong ikaw KLINE WILLIAMS at si KLINE TYLER na First love ko ay iisa. Nagpalit ka lang ng apelyido dahil ginamit mo yung apelyido ng Daddy mo at hindi na sa Dad ni Kristoffer."

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon