PiII 95 God Gave Me You

610 62 7
                                    

One Chapter left at THE END na ang kwentong ito kaya naman po VOTE AND COMMENT LANG!

Marami ba kayong natutunan sa pagbabasa ng kwentong ito? Kung gayon ay ikwento niyo ito sa akin. Maaari niyong i-comment, i-post niyo sa MB ko or just PM me. Ayun lang! I hope na marami kayong natutunan.

Enjoy Reading po!

Krissa's POV

Eto na yung araw na pinakahinihintay ko, yung makasal sa taong Mahal mo. Marami na kaming pagsubok na nalagpasan ni Kean ng magkasama kaya walang sino man ang makakasira o makahahadlang sa aming pagmamahala.

On the way na kami ngayon sa simbahan kasama ko dito sa kotse si Ate Kylie nandoon siya sa front seat at ang nagmamaneho ay si Kuya Kline. Natatawa ako dahil nagkakilala lang kami ni Kean sa Kasal nina Jay at Ria yung mga ex namin. Nang dahil ako nakasalo nung bulaklak at si Kean naman nakasalo nung kulay puti ay sinabing kami raw yung next na ikakasal.

Hindi ko inisip noon na someday ay magiging kami dahil first of all kahit gwapo siya hindi ko siya mahal hangang sa naging friends kami at naging mag-on.

"Oh Krissa, masyado ka namang maligaya diyan sa likuran ah." Sabi ni Ate Kylie.

"Ah wala ito Ate may naalala lang ako hehehe..." sabi ko.

Ayan na natatanaw ko na yung simbahan. I'm so excited na kinakabahan pero yung puso ko tumatalon na sa tuwa hahaha :D

Pagkarating ko roon ay inumpisahan na yung aming kasal. Kagaya nga nung nakasulat sa invitation, si Cha at Toffer ang kakanta sa aming Kasal kaya sila muna ang naunang naglakad sa mga abay para makakanta sila.

Kasama ko ngayon sa magkabilang gilid ko sina Mama at Papa. Alam kong maligaya sila dahil ikakasal na ako kaso wala na silang kasama sa bahay kapag Kasal na ako.

Ayan na malapit na ako, si Shana at si Jiro na yung naglalakad kaya naman nagready na ako para sa aking grand entrance hehe...

♪♪♪♪♪♪ 

For all the times 

I felt cheated 

I complained 

You know how I love to complain 

♪♪♪♪♪♪

Nagsimula na akong maglakad, kagaya ng nakagawian ay mabagal ang paglakad ko at nakikita ko mula rito ang mapapangasawa ko. He wears all white ah, he looks so handsome tuloy.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now