3: Glass Window

29.4K 1K 129
                                    

Nasa ikatlong tasa ng kape na ako pero inaantok pa rin ako. Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa mga nalaman ko. Mag-uumaga na nang nawala ang mga kaluskos sa labas.

Hindi pa rin ako makapaniwala na dinala ko ang mga kapatid ko sa lugar na 'to. Akala ko ito ang pinakamabuting gawin 'yun pala ay pumasok kami sa teritoryo ng mga halimaw.

"Tough night, eh?" ani Faizah na kakalabas pa lang ng kwarto nila. Kasunod n'ya si Raye na basa pa ang buhok. Nakaligo na yata siya.

"Sinabi mo pa. Those vampires were just too damn busy," sagot ko kaya napatingin silang dalawa sa akin na parang gulat na gulat.

"Alam mo na?" ani Faizah.

Tumango naman ako. "Lorenzo and I had a little talk last night. You're witches, we're witches with human blood and vampires want to drink our blood because we are very delicious," pagsa-summarize ko pa sa nalaman ko.

Huminga ng malalim si Faizah at lumabas naman ng bahay si Raye. Ayaw talaga sa akin ng batang 'yun.

"So, how are you holding up?" naupo s'ya sa katapat kong upuan dito sa dining table.

"I want to go away. Find somewhere safe."

"No, Savannah, hindi na kayo pwedeng lumabas ng bayan."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Lahat ng humans na pumasok dito ay hindi na nakakalabas ng buhay, literally."

Hindi ako nakasagot. So we're stuck here? Forever?

"We can escape, right?"

Umiling siya. "This town has an invisible one way barrier because of your Mom. May pinapasok kasi siyang human dito, your Dad. Nakita n'ya ang lalaki na nag-aagaw-buhay sa may border. He was drained of blood. Noon pa man, ayaw na ng mga bampira na may humans dito. For them, humans are food."

I shivered. Gan'on ang tingin nila sa amin?

"Nagdadala lang sila ng humans dito para i-drain ang dugo. Hindi para maglakad dito freely. But your Mom cast a cloaking spell. Hindi nila naamoy ang Dad mo. Ilang buwan din siya rito habang ginagamot ng Mom mo. Eventually, they fell in love and the vampires found out. They tried to kill your Dad but your Mom escaped with him."

Hindi ko alam na sa ganoong sitwasyon pala nagkakilala ang mga magulang ko.

"Pinahanap sila ng Town's Council pero hindi talaga sila mahanap. Ayaw na nilang mangyari uli iyun kaya inutusan nila ang Lola n'yo na gumawa ng barrier for humans. 'Yun nga lang, one way. Once pumasok ka, hindi ka na makakalabas. For Elder Caridad, it was like a peace offering to the vampire population. They can kill the humans who will enter the town."

I shivered. Bakit parang ang dali lang yata sa kanila? Someone is lost. Kill them.

And a barrier made by our grandmother. Great. Now her grandchildren are stuck inside this hell.

"Paanong hindi nila nahanap ang mga magulang ko? Nagawang sumulat ng Lola n'yo kay Mama five years ago."

"Oh, alam nina Lola Caridad at Grams kung nasaan kayo. Inilihin nga lang nila mula sa lahat. At alam ko rin na pinagbawalan nilang bumalik kayo rito."

Tumangu-tango ako. Pero heto kami ngayon, stuck inside a prison made by our own grandmother with vicious predators living with us dahil hindi kailanman ipinaalam sa amin ng mga magulang namin ang tungkol sa bagay na 'to.

"Pero hindi naman sila umaatake 'pag daytime hindi ba?"

"They can, of course. But the law says that they should not. Mahigpit ang batas dito tungkol d'yan. Isa pa, mas kontrol nila ang mga sarili nila 'pag may araw. During Moonless Week at Blood Moon lang talaga sila nakakalimot."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon