5: Matteo Brigham

28.3K 982 98
                                    

Ilang araw na akong ginugulo ng panaginip kong 'yun. Iyun ang pangalawang panaginip ko sa lugar na 'to. 'Yung una ay hindi eksaktong nangyari base sa panaginip ko ngunit napaka-alarming pa rin n'on dahil may mga facts doon na tugma sa reyalidad katulad na lang ng direksyon ng daan, ang pangalan ng tindahan at ang listahan na ginawa ni Grams. Hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang pangalawang panaginip na 'yun lalo na at mukhang sinasaktan ako ng Titus na 'yun.

Sino si Titus?

At bakit Nichola ang tawag niya sa akin?

Walang gumagamit ng second name ko.

"Hoy, okay ka lang?" biglang sabi ni Faizah na siyang nagmamaneho ngayon. Gamit namin ang truck nila habang papunta kami sa community college. Enrollment na kaya naisip namin na magpunta doon. Gusto ko sanang kumuha ng Biology ngunit wala raw 'yun dito. Agriculture ang kurso nina Faizah at Lorenzo kaya naisip ko na 'yun na rin ang kunin.

"Yeah. Bakit mo naman naitanong?"

"Kanina ka pa kasi malalim na nag-iisip. Anong problema?"

Huminga ako ng malalim. "Faizah, tingin ko nagkakatotoo ang panaginip ko."

Hindi s'ya nakasagot. Bahagya n'ya lang akong tinapunan ng tingin bago muling tumingin sa daan.

"N'ong unang gabi ko dito, nanaginip ako na inutusan ako ni Grams..." ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at tahimik lang siyang nakikinig. "Hindi ba 'yun weird?"

"Hindi 'yun weird, Savannah. I think your Simmons blood has already awakened the moment you came here."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko, the Simmons ability is starting to manifest."

"What ability?"

"All founding families have special powers, Savannah. Your family holds the power of clairvoyance."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Another revelation nanaman? Ang dami ko pa yatang malalaman tungkol sa pamilya namin.

Lahat hindi kapani-paniwala.

And clairvoyance? Nagpapatawa ba s'ya?

"Wala akong masyadong alam sa special powers kasi wala naman kami n'on kaya hindi na namin pinag-aaralan. Ang alam ko lang, si Elder Caridad, she had remote viewing."

"Ano naman 'yun?" usisa ko.

"It's a class of clairvoyance. Ang alam ko, there are three classes. Remote viewing, is when you can know current events outside your normal range."

"Example, pwede kong malaman kong ano ang ginagawa ng mga kapatid ko ngayon kahit na nandito tayo?"

Tumango s'ya. "Exactly. Hindi lang bastang nalalaman kundi nakikita mo rin. 'Yan ang power ng Lola Caridad mo. Another class is retrocognition. The ability to see past events. At ang pangatlo ay ang precognition, the ability to perceive or predict future events. Most likely, precognition ang nasa sa'yo."

Napabuga ako ng hangin.

"Paanong merong special powers ang founding families?"

"Ang alam ko ay ang unang Simmons witch ay isang napaka-powerful na witch. She did some rituals, spells and offerings to mother nature para maka- acquire ng power na 'yun pati na rin ang tatlong founding fathers. Ang purpose n'ya ay upang maprotektahan nila ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya. She sacrificed something though upang makamit ang mithiin n'ya."

Napaka-interesting naman yata ng history ng bayan na 'to.

"Precognition through dreams. Ang alam ko ay isa 'yan sa special powers ng pinakaunang Simmons witch. The first one," dagdag n'ya pa.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon