6: The Founding Families of Hellville

27K 993 19
                                    

Napakapit ako ng mahigpit sa upuan ng sports car ni Matteo habang papasok kami sa napakalaking gate ng Bloodworth mansion. Marami akong nakikitang mga puno na maayos na nakahilera sa bawat gilid ng sementadong daan. May malawak ding lawn na may well-trimmed grass.

Hindi nagustuhan ni Faizah ang desisyon ko ngunit pinangako ni Matteo sa kanya na hindi ako masasaktan. Tulad ng inaasahan ko ay ibinilin niyang 'wag kong tatanggalin ang kwentas ko. At medyo nadala rin siya sa simpatikong ngiti ni Matteo kaya hindi na s'ya nakapalag pa.

Napakalaki ng mansyon na nasa harapan namin. Palapit na kami doon. Para iyung palasyo at makikita mong inalagaan iyung mabuti. Hindi katulad sa ibabang bahagi ng bayan na puro luma at mukhang naghihirap.

Ang mga mansyon ng mga founding families ay nandito sa tinatawag nilang Upstate kung saan ay literal na nasa ibabaw ng isang malaking burol. May ibang mga mansyon din akong nakita habang papunta kami dito at lahat ng mga 'yun ay sa mga bampira. Pag-aari raw ng iba pang members ng mga founding families.

"Ganito rin kalaki ang mansyon n'yo?" tanong ko kay Matteo.

"Nah. Siguro ay three-fourth. Sila ang pinakamayaman. Natural lang na sila ang may pinakamalaking mansyon dito," balewala niyang sagot.

"Lage kang nagpupunta dito?"

"Araw-araw."

Tumangu-tango na lang ako.

Ipinadala n'ya sa mismong harap ng mansyon ang sasakyan n'ya. May ilang magagarang sasakyan pa akong nakikita dito sa labas. Ang yaman nga nila.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan n'ya ako. Agad na akong bumaba habang yakap nang mahigpit ang shoulder bag kong kulay itim. Hindi pala ito akin dahil pinahiram lang 'to sa akin ni Faizah.

At home na pumasok si Matteo sa mansyon at agad naman akong sumunod. Ayokong mapalayo sa kanya. Baka kasi may bigla na lang umatake sa akin.

"Relax ka nga. Masyado kang tensed," baling niya sa akin nang nasa foyer na kami ng mansyon.

"Damn," mahina kong mura habang inilibot sa paligid ang tingin. Mataas ang ceiling dito, may dalawang grandstaircase na nagtatagpo sa itaas, sa ilalim ng grandstaircase ay isang daan papunta sa conservatory. May ilang mga open pang silid akong nakita na parang mga sitting areas pero hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin nang may isang mukhang kagalang-galang na babae ang biglang dumating. Napakaeleganti niya sa suot na sky blue na dress at ang ganda-ganda n'ya.

"Tita, kumusta?" bati ni Matteo sa kanya.

"I'm fine, sweetheart. May kasama ka," sagot niyang nakangiti.

Agad naman akong sinenyasan ni Matteo na lumapit sa kanila.

"Tita, this is Ms. Savannah Simmons. Savannah, si Tita Rosamund, Mommy ni T."

Yumuko ako ng bahagya. "Kumusta po?"

"I'm doing great, darling. How about you? Okay lang ba kayo ng mga kapatid mo sa mga Atwood?"

Tumango naman ako. "Opo."

"Good. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang. You are one of us, remember that."

"Salamat po."

"Alam mong may bahay ang Lola Caridad mo rito sa bayan, hindi ba?"

Tumango ako. Hindi ko nga lang alam kung nasaan 'yun. Balak kong puntahan iyun one of these days. Baka doon na rin kami tumira para naman magkaroon na uli ng privacy ang mga Atwood.

"Anyway, hinahanap n'yo ba si T?"

"Ah, hindi Tita. Makikigamit lang sana kami ng library," sagot ni Matteo.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon