13: A Puzzle

24.2K 992 81
                                    

Isang buwan na pala kami rito sa bayan ng Hellville. Ang bilis lumipas ng mga araw at hindi ko man lang napansin 'yun.

Medyo nasasanay na rin ako sa lugar na 'to. Hindi pa rin maalis-alis sa utak ko ang takot ngunit alam kong wala namang mangyayaring masama sa amin dito as long as maingat kami.

Noong isang linggo ay nailabas na ang announcements tungkol sa loans with zero interest para sa mga promising business proposals mula sa mga witches. Tumaas din ang sweldo ng mga manggagawa.

May ayuda na rin para sa mga ulila at panghanap-buhay program para sa mga biyuda.

I was proud to say that I started that change.

Marahan lang ang takbo ng truck namin ngayon na minamaneho ko. Papunta akong munisipyo para sa isa nanamang meeting ng Town Council. This time, regular meeting iyun.

Nang maiparada ko ang sasakyan ay agad na akong bumaba at nagtungo sa loob. Hindi ko na kinailangan pang magpahatid sa kung sino sa conference room dahil alam ko na naman kung nasaan 'yun.

Nadatnan ko sa loob sina Mr. and Mrs. Bloodworth, at Mr. and Mrs. Brigham. Mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan ngunit natigil iyun nang pumasok ako.

"G-Good afternoon," bati ko sa kanila at tumango naman sila. Naupo ako sa tabi ni Mrs. Bloodworth nang sumenyas s'ya na lumapit ako sa kanya.

"Kumusta ka na, hija?" malumanay niyang tanong.

"Mabuti naman ho. Salamat."

"I'm so proud of you. Magaling ang mga naisip mo. You helped a lot of people," anang babae saka hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.

"S'ya nga pala. Ms. Simmons," agaw ni Mrs. Brigham sa atensyon ko. "Ako nga pala si Penelope. Congratulations sa una mong project."

Tumango naman si Mr. Brigham.

Mukhang mababait din ang mga magulang ni Matteo kaya ngumiti ako sa kanila. "Savannah na lang po ang itawag n'yo sa akin. At maraming salamat po."

"So, Ms. Simmons," napabaling naman ako kay Magnus Bloodworth. 'Yung titig n'ya ay kahawig sa titig ng kanyang anak. Dahil siguro ay nakuha nito ang mga mata n'ya. "Malapit na ang harvest moon. Handa ka na ba sa Channeling ritual mo?"

"Pinaghahandaan na ho namin, Sir."

Na-explain na sa akin ni Faizah ang tungkol sa Channeling. Lahat ng witches dito ay ginagawa iyun sa edad na eighteen, not younger nor older.

"Mabuti kung gan'on. Nabanggit pala ni Matteo sa amin na nagkaroon ka na ng vision?"

Tumango ako.

"Precognition through dreams, hindi ba?" sabi naman ni Mr. Brigham.

"Opo. Pero sa ngayon ay hindi na s'ya muling bumalik."

Tumangu-tango sila.

"Lalabas din 'yan uli pagkatapos ng Channeling mo, hija. Hindi pa kasi fully awakened ang Simmons blood mo," sabi naman ni Mrs. Bloodworth.

Tumango ako. Sa totoo lang ay nakakatakot ang power na 'to. Ayoko sanang malaman ang future. Future should be a mystery for everyone.

"Hindi rin ho ba lumabas agad ang power ninyo?" tanong ko kay Mrs. Bloodworth.

"Wala akong power, hija. Tanging mga direct descendants lang ng founding families ang meron. I'm a Bloodworth by marriage. Not by blood."

"I see," nasagot ko na lang.

"Pero para sa kanila na may powers, lumalabas iyun any time after they'd had their first blood," sabi rin ni Penelope.

"First blood?"

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon