15: She Should Not Care

25.3K 932 47
                                    

Hindi na namin nagawang tapusin ni Titus ang pagkakape. Bumalik na kami sa parking lot sa eskwelahan at nanatiling nakaupo sa loob ng kanyang kotse.

"If I'm not mistaken, the scene you saw was ten years ago. I remember that bird painting. I saw that every time I'd go to that coffeshop with my father ten years ago," aniya na sa unahan nakatingin.

Hindi ako nakasagot. Seryoso talaga 'yung nakita ko?

"So, you have precognition through dreams and retrocognition through touch," bigla niyang sabi.

"Maybe?"

"We will see," aniya. "Go to your class now. You're going to be late. Remember, don't attend the last one. Go home early."

Tumango ako saka binuksan na ang pinto. Akmang isasara ko na 'yun nang muli s'yang nagsalita.

"Hey, Nichola," tawag n'ya sa akin.

Yumuko ako at inihagis n'ya ang chair cushion sa akin. Buti na lang agad ko 'yung nasalo.

"Don't forget that. I know you're uncomfortable sitting on your hard chair."

"Ikaw ang naglagay nito d'on?" gulat kong tanong.

Umiwas siya ng tingin. "I didn't say that. Go."

Napangiti ako saka ko isinara ang pinto ng kotse n'ya.

Talagang nakakalito si Titus Bloodworth.

Lumipas ang unang gabi ng Moonless Week nang walang problema. Nakasuot kaming magkakapatid ng amulets kaya natatakpan ang amoy ng dugo namin. Walang nga bampirang nagla-landing sa bubong ng bahay, wala ring mga tumatambay sa labas.

Kinabukasan, naghanda na si Max dahil s'ya naman ang papasok. Inihatid namin s'ya ni Rianah sa gate ng school nila.

"Susunduin ka namin mamaya ha. 'Wag ka nang pumasok sa last subject," sabi ko nang makababa s'ya.

Inayos n'ya ang pagkakatirik ng buhok n'ya at tumingin sa side mirror.

"Bakit ba kasi hindi mo ako hayaang mag-drive, Ate? May student's permit naman ako ah," aniya.

Kinunutan ko s'ya ng noo.

"Napaka-protective mo talaga," aniya na parang matandang umiiling pa.

"Uy Maximillian, mas mabuti na 'yun kesa wala akong pakialam sa'yo di ba."

"Hindi naman po ako nagrereklamo, Ate eh. Swerte nga namin ni Baby Rianah eh."

Humagikhik ang bunso namin na nakaupo sa backseat.

"Haay naku. Pumasok ka na nga."

"Opo."

"Ingat," bilin ko.

"Kayo rin," aniya saka pumasok na sa loob.

Hinintay ko na mawala sa paningin ko ang kapatid ko bago ako nag-drive pabalik sa bahay.

Malapit na kami nang mapansin ko ang pulang kotse na nakaparada sa labas ng gate. Inihinto ko ang truck sa harapan n'on at agad na bumaba.

"Savannah!!!" bumaba rin sa sasakyan n'ya si Matteo.

Napangiti ako nang makita s'ya. Mukha siyang pagod na pagod ngunit nasa mga labi n'ya pa rin ang malaking ngisi.

"Matteo, kumusta?"

"Okay naman. Na-miss kita ah," aniyang lumapit.

"Ikaw kasi. Lageng may lakad," sagot ko saka ko binuksan ang pinto ng backseat at kinarga si Rianah na agad ngumiti kay Matteo. "Oh, hayan na ang admirer mo."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon