23: Side Effect and Gratitude

24.7K 1K 157
                                    

"Humanda kayo!" malakas na sigaw ni Grams nang bigla na lamang tumalon si Ambrosia kasunod si Rosamund palapit sa amin.

Nagsimulang mag-chant sina Grams ng kung anong spell at umilaw ang mga kristal na bumubuo sa pentagram.

"Ahhh!!!" bumagsak si Ambrosia nang paluhod at namilipit sa sakit. Gan'on din ang nangyari kay Rosamund.

"Ate," ani Max kaya napatingin ako sa pintuan. Nakatayo doon sina Magnus at Levi Horton na mukhang galit na galit na nakatingin sa amin.

Hindi na 'to maganda.

Mga founding families members pa talaga ang umaatake sa amin ngayon. May mga kapangyarihan sila maliban kay Rosamund.

Magnus hissed. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at lumutang ang mga couch. Nanlilisik ang mga mata ng lalaki at bigla niyang ibinato sa amin ang mga 'yun.

Sabay-sabay kaming napasigaw.

Levi Horton growled. Pulang-pula ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Grams.

"Grams!" sabay na sigaw sina Faizah at Lorenzo nang humakbang ang matanda palapit sa mga bampira.

"Max, tulungan mo ako," sigaw ni Lorenzo na pilit pinipigilan ang Lola sa paghakbang.

Agad na binitawan ni Max si Raye at tumulong. Pero mukhang napakalakas ng matanda dahil hindi man lang nila ito magawang pigilan.

"Kinokontrol n'ya si Grams," sigaw ni Raye.

Lahat kami ay yumakap kay Grams upang pigilan siya sa paghakbang. Maging si Rianah ay nakayakap sa beywang ng matanda.

"L-Lorenzo, mag-c-cast ka ng offensive spell," dinig kong sabi ni Grams gamit ang namamaos na boses. Mukhang pilit niyang nilalabanan ang kontrol ni Levi Horton.

Pero malakas ang lalaki.

Bumagsak sa sahig si Grams Octavia nang wala nang malay.

"Masyado na siyang matanda para makipaglaban ng ganito," natatarantang sabi ni Faizah.

"Anong magagawa ko para makatulong?" tanong ko sa kanila.

"Wala na tayong magagawa pa, Savannah," hopeless na sagot ni Lorenzo kaya napatingin ako sa mga kristal na nawalan ng ilaw. May bisa pa rin naman iyun ngunit mukhang nakakaya na ng mga agresibong bampira.

I heard someone hissed and I saw that it was Ambrosia making her way to us. Sunog na sunog na ang kanyang mga balikat, kamay at mukha ngunit mukhang hindi niya alintala iyun.

Please let there be a miracle.

"Max...Rianah..." niyakap ko na lang ang mga kapatid ko at tuluyan na kaming napaiyak habang niyakap naman ni Lorenzo ang lola nila.

"Tsk."

Gulat akong napatingin sa lalaking biglang pumasok. Nakangiwi siya habang dahan-dahang nasusunog ang balat niya. His eyes were so red and his fangs were razor-sharp.

"T-Titus..." wala sa sariling nasambit ko na lang habang pinagmamasdan siya.

"I'm sorry for this, Mom," aniya sabay bali ng leeg ni Rosamund.

Oh my goodness. Napasinghap ako sa nasaksihang ka-brutal-an. Kasunod noon ay si Ambrosia naman. Tiniis ni Titus ang sakit sa katawan n'ya dahil sa pentagram at binitbit n'ya ang dalawang babae na ngayon ay wala nang malay...o buhay?

Pinatay n'ya ba ang sarili n'yang ina?

Nakikita ko rin sina Nadine at Matteo na pilit pinipigilan ang iba pang gustong pumasok. Katulad ng ginawa ni Titus kanina ay binali rin nila ang leeg ng iba pang mga bampira. Maging sa mga magulang nila.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon