28: Vampire-Witch

23.3K 905 79
                                    

Nagising na lang ako na nakahiga na sa isang malambot na kama pero hindi ako komportable. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Masakit ang buo kong katawan. Ramdam kong maging ang mga buto ko ay nananakit.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nalaman kong nasa kwarto pala ako ni Titus. The grandfather's clock said it's already two o'clock. Hindi ko alam kung madaling-araw na ba o hapon pero base sa dilim sa labas ay alam kong alas dos ngayon ng umaga.

Pero ano'ng ginagawa ko dito?

Bakit ako nandito?

Ano'ng nangyari?

Pinilit ko ang sarili kong mag-isip. And in return, my head hurt like hell.

Then I remembered.

Nanlaki ang mga mata ko habang sapo ang aking ulo.

I had my Channeling last night and...

"Hindi lang ang witch blood niya ang nagising ng kanyang Channeling kundi pati ang kanyang vampire blood. Vampire genes are awaken when we have our first taste of mortal blood."

Tila nag-echo ang boses ni Yadira sa pandinig ko kaya bigla akong napabangon.

What the hell?

Ako? Bampira?

Hindi ako naniniwala. Or more like hindi ako makapaniwala. There's no way na isa akong bampira. Ako at ang mga kapatid ko? Ibig sabihin, our father was a vampire? And Yadira was sent here as our Sentry?

No way at all.

Tumayo ako upang hanapin si Titus.

Nasaan ang mga kapatid ko?

Kailangan kong umuwi.

Ngunit napalunok ako habang humahakbang ako palapit sa pinto.

Iba ang nararamdaman ko ngayon.

I felt so parched and famished. I hadn't been this starved my whole life.

Bakit iniwan nila akong mag-isa dito?

Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang isang napaka-hot na Titus na nakasuot lang ng gray na jogging pants at basa pa ang kanyang buhok na kasalukuyan niyang pinapatuyo gamit ang isang puting tuwalya.

"Oh, you're awake," komento niya sabay lapit sa akin.

Hindi ko magawang sumagot. Tumitig lang ako sa kanya. Tiningnan ko ang kanyang ulo, ang kanyang leeg, ang kanyang mga balikat, ang kanyang dibdib. Humakbang ako palapit sa kanya saka walang paalam na hinawakan ang kanyang...

"Nichola, what do you think you're doing?" sinalo n'ya ang kamay niya saka siya napatingin sa kanyang dibdib.

His bare chest was pulsing. Tila naririnig ko ang kanyang puso kaya binasa ko ang aking mga labi gamit ang aking dila.

Napalunok ako nang makita ang isang drop ng tubig mula sa buhok n'ya patungo sa kanyang leeg. Sinundan ko iyun na pababa nang pababa patungo sa kanyang tiyan.

I licked my lips again.

He cleared his throat so I transferred my gaze to his face.

"I was asking you, Nichola."

"I feel very hungry and thirsty. And my mouth feels so sore," sabi ko. Halos hindi ko makilala ang boses ko. It sounded like silk. So smooth and soft.

Tumangu-tango s'ya saka ako hinila at pinaupo sa gilid ng kama. "What do you want to eat?"

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon