37: Truce

20.4K 720 14
                                    

Kahit na anong gawing pag-track ni Titus sa mga trespassers ay hindi s'ya nagtatagumpay. Mayroong naroon ang amoy nila ngunit bigla-bigla namang nawawala. He was getting frustrated every minute kaya sinabihan ko na siyang tumigil.

My remote viewing was not enough to track them.

"Kapag nakabalik na sina Nadine at Matteo dito saka na tayo kumilos uli. Your temper is getting the best of you," komento ko habang nakatingin sa punong pinatumba n'ya gamit lang ang kanyang kamao.

"I'm sorry. I'm just mad right now. These Turned vampires are pissing me off and ISOP taking over our town is just so fucking annoying," aniyang nakamaywang habang nakatingala. Mukhang kinakalma n'ya ang sarili n'ya. "They're not even helping the Turned problem. They took over and sat there. Watching us getting killed one by one."

Napatungo ako. Parte ako ng mga problema n'ya.

Bakit pa kasi sumabay sina Alistair Bishop? Bakit ngayon pa?

Ano ba ang dapat kong gawin upang malutas ko ang mga problemang sanhi ko?

Alerto akong napalingon sa may likuran nang makarinig ng kaluskos mula doon. Agad naman akong itinago ni Titus sa likuran n'ya habang hinihintay namin ang kung sino mang lalabas mula sa makakapal na mga dahon.

"Yadira," mahina kong sambit nang makalabas s'ya. Medyo magulo ang damit n'ya at hinihingal pa.

"I didn't know that there are traps here," komento niya na kay Titus nakatingin.

Hindi na mababanaag ang guilt sa mukha n'ya ngayon. Mukhang wala na siyang pakialam na trinaydor n'ya ang pagkakaibigan namin base sa hitsura n'ya.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Titus.

"I'm Savannah's Sentry, remember? Sapat na siguro ang ilang araw na hinayaan ko kayong magkasama nang walang kasama. It's about time that I do my job," malamig ding sagot niya.

"You're not needed here. And please," he said, mocking, "job? I thought ISOP took over the town now. Why aren't you sending your Sentries here to kill these bastards."

"I don't know," mahinang sagot ni Yadira. "Walang order si President."

"Incompetent. I thought so."

"Whatever, T. Hindi ikaw ang pakay ko dito," aniya saka ako binalingan sa unang pagkakataon. "Savannah, sumama ka sa akin."

Agad na tumaas ang kilay ko. "At bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Dahil wala kang choice," aniya. Kasabay n'on ay narinig ko ang ilang ingay mula sa paligid. I looked around at napabuga na lang ako ng hangin.

Sa ibabaw ng mga puno ay may nakita akong mga mga armadong Sentries. Meron ding iba na nasa likod ng katawan ng mga puno. Swords, daggers, and crossbows in hand.

"Really, Yadira? Kailangan may mga weapons?" sarkastiko kong tanong pero nagkibit-balikat lang siya na nagpainis pa sa akin lalo.

"Well, look who's here?" napalingon kami sa bagong dating na sina Nadine at Matteo. Mukhang okay na ang babae kaya nakahinga ako ng maluwag.

"What's happening here?" ani Matteo na lumapit sa amin. Kinindatan n'ya pa si Yadira na nakita kong sumimangot.

"She wants to get, Nichola," ani Titus na nakatitig sa akin. His intense stare weighed heavily on me, stirring intense emotions in the inside. Kung ano iyun ay hindi ko alam. Ang sigurado ako ay gusto kong malapit lang ako sa kanya.

"At saan mo naman siya dadalhin?" mataray na tanong ni Nadine.

"Sa Bloodworth mansion. Gusto siyang makausap ni President."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon