Chapter 1

52.6K 582 244
                                    

Max POV

"Love matagal kapa ba? Late na tayo oh!" Sigaw ko. Nakapameywang ko syang hinihintay dito sa may sala. Ngayon na kami uuwi sa pilipinas at mukhang malilate pa kami sa flight namin.

"Kung hindi mo kase ako pinagod kagabi hindi ako tatamarin ngayon!" Hay ako pa ang nasisi. Sya nga tong nangungulit kagabi eh! Bow talaga ako sa asawa ko.

"Oo ako na ang may kasalanan. Tara na nga!" Nauna na akong lumakad palabas sa condo habang bitbit ang dalawang malalaking maleta.

"Wala ka na bang nakalimutan sa loob?" Tanong ko habang nakatayo kami sa tapat ng elevator. Bitbit naman ni Angel ang isang maleta at isang bag nito.

"Wala na baby tsaka last day pa tayo nakapag-impaki kaya I'm sure ok na lahat."

"Excited ka ba?"

"Yeah super baby. Gustong gusto ko ng makita ang bahay natin."

"Ako rin love!"

Agad kaming pumasok sa elevator pagkabukas nito.

10 months na kaming kasal ni Angel ngayon. Masasabi kong ibang-iba ang pagsasama namin bilang mag-asawa kesa sa mag-kasintahan lang. Marami na akong dapat e'consider at responsibilty na gagampanan.

Inaamin ko hindi talaga madali ang pinasok namin. Nahihiya na rin ako sa parents nito dahil hindi pa ako natatapos sa pagiging doctor pero nagtatrabaho na rin naman ako sa isang hospital dito.

Maluwag naman sa pagbibigay ng pera ang parents ni Angel sa amin. Kahit nga ang bahay namin sa pinas ay galing sa parents nito.

"Matulog ka muna love." Andito na kami sa loob ng airplane.

"Mamaya na nawala na ang antok ko."

"Ok. Basta kapag dinalaw ka ng antok matulog ka lang."

"Yes baby." Kumapit ito sa braso ko sabay yakap dito. "Kumusta na kaya si Mommy?"

"Wag kang mag-alala love I'm sure magiging ok rin si tita."

Ito rin ang main reason kung bakit kami uuwi sa pinas dahil may sakit ang mommy nito. Kelangan nitong operahan sa puso upang maka-survive ang katawan nito.

"I hope so."

Hinalikan ko ang buhok ni Angel sabay tapik-tapik sa kanyang kamay. Kawawa naman ang mahal ko.

After 13 long hours nakarating rin kami sa pilipinas. Ang himbing rin ng naging tulog ni Angel.

"Love andito na tayo gising na." Hinawakan ko ang mukha nito.

"Hmmmm.. yeah." She open her eyes and smile.

Bumaba na kami ng eroplano at hinintay ang mga maleta namin.

Tinawagan ko naman si Rafael para sunduin kami.

"Oo andito na kami sa labas ng airport." Sabi ko sa kabilang linya.

"Coming dude."

Binaba ko ang tawag sabay akbay kay Angel sa tabi ko na tahimik lang at halatang inaantok pa.

"Diretso muna tayo sa bahay love ah bago tayo pumunta sa inyo."

"Yeah. Gusto ko rin munang umidlip tsaka maligo."

"Ako rin."

Ngumiti lang ito at yumakap sa akin.

Beep beep beep..... busina ng kotse habang palapit sa amin.

"Thank God. Bakit ba ang tagal mo kuya?" Sabi ni Angel pagkababa ng kuya nito sa kotse. Pinasok ko naman ang mga dala namin sa likod.

"Sorry traffic lang, besides kakarating nyo rin lang."

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon