Chapter 16

9.4K 235 38
                                    

Angel's POV

"Hindi pa ba dumadating si Abigail?" Tanong ko kay Mia.

"Andyan na po maam kakarating lang." Sagot nito habang nag-aayos ng mga files ko sa kabinet.

Tumayo ako para puntahan ito sa kanyang office.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Good morning Abby."

Isang magandang ngiti ang sinalubong nya. "Oh Gel, hi good morning." Tumayo ito at bumeso sa akin. "Come." Hinawakan nya ang kamay ko at ginaya  sa may upuan.

"Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon ah." Wika ko.

"Yeah, maganda naman lagi basta kasama kita." Pinisil pa nito ng bahagya ang kamay ko bago bitawan. What's that for?

"Hay mabuti kapa. Ako naman hindi maganda ang gising kasi napuyat ako kagabi." Pag-uwi namin ni Max kagabi hindi naman ako nakatulog agad. Kaya nga medyo inaway ko rin sya kanina.

"Bakit ka naman napuyat?"

"Ito kasing si Max may pinuntahan pang kaibigan kaya ayun na damay-damay pa ako sa pagsundo."

Umikot ito sa likod ko at pinatong ang dalawa nitong kamay sa balikat ko. Mahina ngunit madiin nitong menasahe ang balikat ko. "Just relax and close your eyes."

Napapikit ako. "Marunong ka pala nyan?"

"Medyo."

Shit, ang sarap ng pagkaka-masahe nito. Di ko napigilang mapaungol. "Hmmm.. It feels good."

Patuloy lang ito sa ginagawa. "Gel?"

"Yeah?"

"May sasabihin sana ako sayo mamaya. Pwede mo ba akong samahan?"

"Sure. Anong sasabihin mo?"

"Basta, mamaya na lang."

Minulat ko ang mga mata ko. "May problema ka ba?"

"Hindi naman problema. Matagal ko na kasi tong gustong sabihin sayo kaya lang hindi ako makahanap ng pagkakataon."

"Uhm sige, I'll listen." Sabi ko na lang kahit hindi ko sya maintindihan.

Napatuwid ako ng upo ng bigla nya akong yakapin sa likod. "Thank you."

"A-ang oa nito." Mahina kong tinapik ang kamay nito na nakayakap. Actually I find it awkward, wala namang malisya sa akin pero ganito rin kasi ang feeling ko kapag tinititigan nya ako o kaya hinahawakan.

"Sorry, masaya lang ako. So mamayang hapon sasamahan mo'ko ha."

"Ok."

Baka naman aamin na sya sa pagiging homo nya. Tsss..

***

Afternoon, umalis na kami ni Abigail. Tinawagan ko na rin si Max na hindi ako magpapasundo dahil may pupuntahan pa ako. Pumayag naman sya nung una pero nung sinabi ko na si Abby ang kasama ko bigla na lang nyang binawi ang sinabi. Susunduin na lang daw nya ako, hindi ko sya maintindihan kaya I insist na wag na lang.

Ang weird nya ngayon, panay ang text kung ano daw ang pinag-uusapan namin. Pinili ko muna syang i-ignore para walang isturbo. I put my phone on a silent mode.

"Gel, lets drink." Tumabi si Abby at inabot ang isang light beer. Dinala nya ako sa isa sa mga condo nya.

Tinanggap ko ang beer. "Alam mo ba bawal to sa akin, madali lang kasi akong malasing."

"Isa lang naman." Ngumiti ito at uminom ng beer na hawak nya.

"Basta wag mong ikukwento kay Max na uminom ako. Lagot ako dun."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now