Chapter 31

9K 254 26
                                    

Angel's POV

"Party-party!" Malakas na sigaw ni Bruno. Andito na kami sa reception ng kasal ni kuya. Sa church ginanap ang kasal habang dito naman sa hotel na pagmamay-ari nila Becca ang reception. The wedding was so nice and romantic. Masayang-masaya talaga ako na si Rebecca ang nakatuluyan ni kuya.

"Whooo.. I miss you talaga bakla." Wika ni Jessy at yumapos sa braso ni Bruno.

Inimbita ko rin ang mga bestfriend ko kaya andito silang lahat. I'm so happy.

"Girl ba't di mo dinala ang jowa mo? Sana nakilala namin." Baklang-bakla ring sabat ni Nika.

"Naku wag na noh. Baka agawin nyo lang. Alam ko namang hindi nya ako ipagpapalit sa inyo pero mabuti na yung naninigurado."

"Kapal mo. Feeling mo naman ang gwapo ng jowa mo. Hoy nakita ko na ang mukha nun noh. Chaka kaya bagay kayo." Pangbu-bully ko.

"Wow, friend talaga kita Gel. Walang duda, 100 percent bestfriend." Maarte itong umirap. "Napaka-supportive mo sa akin."

"Alam nya kasing hindi kalait-lait si Max kaya ganyan na lang kung makapagsalita." Si Jessy.

"May problema ka ba sa'kin? Pasalamat ka syota ka ni kuya." Hinila ko ang kanyang extension hair.

"Aray." Hinampas nya ang kamay ko. "Anong syota? Kakagaling mo lang sa america tapos ganyan ang mga words mo."

"Ui mga bakla sino yun oh?" Turo ni Bruno sa lalaking kausap ni kuya Lorenzo.

Sabay-sabay namang napatingin si Jessy at Nika.

"Yes babe. One hour lang ako dito promise." Rinig ko naman si Red na bumubulong sa tabi ko. Alam kong si Julia ang kausap nya sa phone. "Oo na. Sige bye. I love you." Binaba nito ang phone saka tumingin sa akin. "Si Julia."

"Alam ko." I take a sip of my wine. "How's your baby? Nagsasalita na ba?" They already have their first born and it's a baby girl. Her name is Sabrina but everyone call her baby "Blue." Tss. Red and Blue, walang duda na mag-ina nga sila.

"Gel naman 8 months pa kaya si Blue." She smile.

"Anong feeling Red? Masarap bang magkaroon ng baby?"

"Oo naman, kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya masaya parin ako. Sobrang saya."

"Eh si Julia kumusta? Matured na ba ang utak?" I assume na wala na syang topak dahil nanay na.

"Uhm medyo." Tumawa ito. "She's so awesome, kung noon hindi sya nagluluto ngayon alam na alam na lutuin ang paborito ko. Pati pagpapalit ng diaper kayang-kaya na rin nya." Proud na proud nitong sabi.

"Alam mo hanggang ngayon uto-uto ka parin. Nahiya naman ako sa kanya. Ako nga mula pagluluto, paglalaba, paglilinis ng bahay alam ko na noh. Anong awesome sa ginagawa ng asawa mo?" Ahmm. Partly it's not true. Si Max talaga ang gumagawa ng paglalaba at paglilinis, pero minsan ginagawa ko rin naman kapag hindi ako busy kay Luis.

"Yabang nito. Oo na, ikaw na ang mas magaling."

"I know." Nang-aasar akong ngumiti.

"Oh my, ang gwapo." Parang naiihi namang wika ni Bruno habang nakatingin parin sa lalaki kanina.

"Magkakasala lang ako kapag tumingin ako dyan. Teka nga pupuntahan ko muna ang prince charming ko." Tumayo si Jessy at naglakad papunta sa kinauupuan ni kuya Rafael.

"Love."

Nilingon ko si Max. Karga-karga nito si Luis. "Oh anong nangyari dyan?" Dali-dali ko itong kinuha at pinatayo sa upuan. Nagkalat ang chocolate cake sa kanyang white polo.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now