Chapter 8

13K 290 47
                                    

Angel's POV

Pagkapasok ko sa restaurant nakita agad ng mga mata ko ang pinaka-mabait kong kaibigan.

"Gosh. I miss you so much." Malambing kong wika kay Red. Kumandong ako sa kanyang hita at niyakap ito ng mahigpit.

"Gel ano ba." Bigla nya akong tinulak.

"Aray." Napatayo ako. Di ko naman napigilang batukan ito. "Kelangan talaga itulak?" Nakakainis.

Umupo ako sa bakanteng silya.

"Asan si Max?" Tanong ni Julia. Nakita ko naman sya pero hindi ko lang pinansin.

"Work." Tipid kong sagot.

"Sayang naman Gel, sana group date tayo ngayon. Di ba baby?" Hinawakan ni Red ang kamay ni Julia. Tsss.. Mas sweet kaya kami ni Max.

"Akala ko pa naman tayo lang ang magkikita Red."

"Bakit ayaw mo ba na andito ako? Pwede naman akong umalis." Nakataas kilay na wika ni Julia. Aba! Hindi naman ako nagpatalo at tinaasan ko rin sya ng kilay.

"Wooohh.. Relax." Awat agad ni Red sa nagbabaga naming titigan. "Ano ba kayo, hindi nyo ba namiss ang isat-isa at kelangan talaga ilabas nyo ang mga sungay nyo? Kahit magplastikan na lang kayo ok lang naman sa akin."

Plastikan? Ok. Magaling ako dyan.

Ngumiti ako. "Of course namiss ko ang asawa mo Red. Ewan ko lang kung namiss nya ako?"

Ngumiti rin ang gaga. "Of course namiss rin kita Angel. Ikaw pa ba? My bestfriend's one and only apple of the eye."

Tss.. I know right.

"Hayy. Grabe ibang klase kayo." Napailing-iling si Red.

"Oh well, ganyan talaga kapag nagmamature na ang isang tao. Sumasabay na lang sa agos ng buhay."

"Adik ka talaga Gel. Pinagsasabi mo, sandali ikaw ba si Angel o baka clone ka nya?"

"Ikaw ang adik. Ang hina mo paring umintindi. Tinagalog ko na nga."

"Ano ba naman kasing konek nun?"

"Nonsense." Bulong ni Julia pero rinig na rinig parin ng tenga ko.

Papatulan ko na naman sana pero biglang nagring ang cellphone ko.

"Umorder kana nga Red. Magbabanyo lang ako." Tumayo si Julia.

"Teka, samahan na kita."

"Wag na." Tumalikod ito.

Sinagot ko ang tawag. Si Abigail pala.

"Yes. Hello?"

"Umuwi ka ba sa inyo? Sabi kasi ng secretary mo lumabas ka raw."

"Hindi ako umuwi, pero nasa labas ako. Sorry hindi na ako nakapag-paalam sayo kanina kasi emergency ang lakad ko eh." Iniwan ko pala sya sa store. Bigla naman kasing tumawag si Red kaya hindi na ako nakapagsabi sa kanya kanina.

"Emergency? May problema ba?"

"Ha? No,no. Wala naman. Nagmamadali lang ako kanina kasi makikipagkita ako sa isa kong bestfriend." Tiningnan ko naman si Red. Kausap nito ang waiter at umoorder ng pagkain.

"Ah ganun ba. Ok. Enjoy."

"Wait, saan ka pala kakain ng lunch?"

"Uhm siguro dito na lang, oorder na lang ako."

May naisip ako. "Wag na lang kaya. Samahan mo na lang ako dito. Anyway tatlo lang naman kami."

"Ah wag na. Nakakahiya naman sa kaibigan mo."

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon