Chapter 12

11.7K 294 16
                                    

Angel's POV

"Maam bakit po?" Tanong ng isa kong empleyado ng makapasok sa loob ng opisina ko. Si Mia.

I close my laptop and look at her. "Nasaan si Abigail?" Tanong ko. Nang makita ko kasi sya kanina nagmamadali na itong pumasok kaya hindi ko na naabutan.

"Nasa opisina po nya maam." Malumanay nitong wika.

"Hindi ba sya lumabas?"

"Ngayon po maam hindi po. Nagpadeliver lang po sya kanina ng pagkain para sa almusal nya."

"So maaga pala sya kanina?"

"Opo."

Biglang pumasok sa utak ko ang nakita ko kaninang eksena sa labas. She's with Arabela. Nagtataka talaga ako, ganun ba kaliit ang mundo? Tsss..

"Wala ka bang napapansin sa kanya dito?"

"Maam?"

"I mean, may nakikita ka bang pumupunta dito na babae? Or kahit sino?"

May katagalan bago ito sumagot at parang nag-iisip.

"Ahm. Minsan po may nakikita akong pumupunta dito na babae pero hindi naman po pumapasok sa loob. Sa labas lang po sila nag-uusap tapos mabilis lang. Sabi naman ni Nico parang kapatid daw po nya yun kasi minsan napadaan sya tapos narinig nya na sinabi nung babae na gusto syang makita ng mommy nila. Parang ganun po." Mahaba nitong wika. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita.

"Pinag-uusapan nyo pala sya?" Seryoso kong wika.

"H-ha? Hindi naman po maam. Nakwento lang po ni Nico. Pero hindi naman po namin sya pinag-uusapan talaga." Nagyuko ito ng ulo na parang nahihiya.

"Anyway, anong itsura nung babae?" I crossed my arms.

"Matangkad po, maganda, tapos hanggang balikat yung buhok. Medyo singkit rin ang mata nya."

As she described it, parang tugma naman kay Arabela ang mga sinabi nya.

So magkapatid sila? Akala ko ba nag-iisa syang anak?

Nag-iisip na naman ako. Ano ba yan, nakaka-stress. Ewan ko ba pero hindi maganda ang kutob ko. Tss.. Heto na naman ang mga negative instinct ko. Parang ang dami nyang tinatago.

"Ah ok. Sige bumalik kana sa trabaho mo."

"Sige po --"

"And one thing, don't tell anybody what we have talked. Lalong lalo na ang pagbanggit sa pangalan ni Abigail."

"O-opo maam." Tumalikod na ito at lumabas ng opisina ko.

Tumayo naman ako at inayos ang table. Nagkalat ang mga papers.

Knock knock....

"Come in." Sigaw ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Abigail.

"Nakasalubong ko si Mia ah. Pinatawag mo ba sya?"

Saglit ko lang syang tiningnan at tinuon ulit ang mga mata sa inaayos kong kalat sa mesa. "Yeah. I just talk some stuffs about the supplies."

"Ah ganun ba. Uhm hindi ka pa ba gutom?"

I look my wrist watch. Shit, past 12 na pala.

"Hindi ka pa ba nag-lunch?" Tanong ko. Kaya pala medyo kumakalam na ang sikmura ko.

"Hindi pa eh. Gusto mo sabay na tayo? My treat." Nakangiti nitong wika.

"Uhm sure." Nagkibit balikat lang ako. Gutom na rin ako kaya wala na akong time mag-isip.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now