Chapter 19

11K 274 28
                                    

Max's POV

"High five." Naaaliw ako habang tinuturuan si baby Luis, komportable naman itong nakakandong sa hita ko. Andito pa kami sa labas ng store ni Angel at naghihintay sa kanya. "High five one more time." Tinaas ko ang kanang kamay nito at nakipag-apir.

Hindi na rin ako pumasok dahil baka makita ko lang si Abigail.

"Fayb." He smile. Mukhang nakikinig talaga sa mga tinuturo ko ah.

Ang totoo hindi ko parin maiwasan ang matakot sa ginawa naming pag-kuha sa bata. Kung hindi dahil kay Angel hindi ko naman kukunin si Luis, meron namang mga ahensiya ang mas may alam sa pag-aalaga sa mga ganitong nawawalang bata. Kaya lang ayoko ng makipag-talo sa asawa ko, alam ko namang talo parin ako kahit ano pang sabihin kong dahilan. She will still insist it.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Luis. "Panigurado paglaki mo marami kang mabobolang mga babae." Biro ko. Kahit kasi maliit pa sya mababakas na ang kanyang kagwapuhan.

Akmang hahalikan ko sana ang pisnge nito ng bigla naman nya akong kinurot sa ilong. "Oh Luis. That's ouchy." Natatawa kong wika. Pinanggigilan ko tuloy ito ng halik sa pisnge.

Ang sarap pakinggan ng tawa nito.

Napangiti ako lalo ng maalala ang mga nangyari sa amin kagabi. Naka-higa sa gitna namin si Luis, first time naming matulog na may katabing bata kaya hindi namin alam kung ano ang gagawin. Baka kasi kapag napasarap ang tulog naming dalawa ni Angel maipit pa namin. Mabuti na lang hindi sya malikot matulog.

"Ugh nakakasira talaga ng araw." Naiinis na wika ni Angel ng pumasok sa kotse. Agad nyang kinuha si Luis at kinandong. "Tara na."

"Anong nangyari sayo?" Pinaandar ko na ang kotse para makaalis na kami. Pupunta pa ako sa hospital.

"Nakaka-bwesit kasi si Abigail."

"Don't say bad words love, nakikinig yang bata." Saway ko.

Tinakpan naman agad ni Angel ang tenga ni Luis. "Baby wag ka munang makikinig kay mommy."

'Mommy?'

"Mommy talaga love?"

"Bakit? Sa atin na sya nakatira kaya dapat mommy na ang itatawag nya sa akin. Ikaw bahala ka kung ayaw mong magpa-tawag." She hug Luis. "Baby I'm your mommy now, ok?"

Napailing-iling na lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis nya maging attach kay Luis.

"Love hindi sya atin ---."

"Di ba gusto mo ng magka-anak?" Putol agad nya sa sasabihin ko. "Why don't you just enjoy this blessing? Alam ko naman hindi natin sariling anak to pero hindi ko rin naman ninakaw o kinuha sa ibang tao to eh. Siguro regalo sya sa atin, tsaka ito ang gusto mo di ba? Kahit paano hindi mo ba naisip yan?"

Bumuntong hininga na lang ako. Sabi ko na eh, wala talaga akong laban. "Ok, basta nag-usap na tayo kagabi. I made my self clear, sa atin muna sya pero kapag may kumuha na sa kanya ibibigay natin agad."

Ayoko munang umasa, oo gusto ko ng magka-anak pero hindi naman sa ganitong sitwasyon. Ang bilis ng mga pangyayari.

"Whatever." Walang pakialam nitong sagot at niyakap pa ng mahigpit si Luis.

"Ano palang nangyari sa inyo ni Abigail? Bakit naiinis ka kanina?" Pag-iiba ko sa usapan.

She sigh. "Pinipilit nya parin kasi ang sarili sa akin. Nakaka-irita sobra, ang sarap pagkakalmutin ng mukha nya."

"Hayaan mo na lang. Naisip ko nga, kausapin ko kaya para maklaro na ang lahat kung ano ba talaga ang gusto nyang mangyari sa atin."

"Sa atin? Bakit damay ka ba dito? Labas ka sa issue namin Max. Ako at sya lang ang dapat mag-usap."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now