Chapter 2

20.3K 350 26
                                    

Angel's POV

"What if humingi ako ng pera kay dad?" Sabi ko kay Max habang nakakandong sa hita nito. Wala itong pasok ngayon at tinatamad rin kaming lumabas kaya dito muna kami sa may swimming pool nakatambay.

"Ayoko love. Nahihiya na ako."

Napag isipan kasi naming mag negosyo. Restaurant ang gusto ko kaya lang ayaw naman ni Max na sabihin sa pamilya ko. Tss..

"So how can we put up a business?"

"Uhm may naipon pa naman tayo di ba? Yung negosyo lang naman na simple at tsaka maliit."

Simple and small? Cheap.

"Anong gagawin ko sa simple at maliit? Boring naman yun."

Sinubsob nito ang mukha sa dibdib ko. I'm just wearing my bikini. "Para lang naman may mapagkaabalahan ka kapag wala ako."

Oh na touch naman ako. Ako parin talaga ang iniisip nya kahit nasa school o trabaho sya.

Napangiti ako. "Kung hindi lang kita mahal hindi talaga ako papayag sa maliit lang na business baby."

"Wag mo namang lang langin ang maliit na negosyo love. Still it's a business."

"Yeah I know." Yun na lang ang nasabi ko. Naisip ko, naturingan pa naman akong business graduate tapos hindi man lang kayang magpatakbo ng isang maliit na negosyo. Tsss..

"So ok na sayo?"

"Yeah papayag na ako. Just in one condition. Ako lahat ang masusunod!"

Lumayo ang mukha nito kunti na parang natatawa.

"Bakit?" Curious kong tanong.

"Eh kasi sabi mo ikaw ang masusunod lahat. May bago pa ba dun Angelica?"

Nahampas ko ito bigla sa braso. "Nakakainis ka. Hindi naman parati ah!" Maarte kong wika.

"Hindi daw. Pag hindi ka nga nasusunod nagmamaktol ka kaagad dyan eh."

"Hey, hindi ako nagkakamaktol ha." Nabulol pa ako. Tss..

"Oh halatang nagsisinungaling." Tumawa na nga ng tuluyan ang asawa ko. Hmm..

"Nakakainis ka talaga Max. Dyan kana nga!" Tumayo ako at agad nag dive sa tubig.

"Pikon pikon nito." Dinig kong wika nito sa likod ko. Pag ahon ko hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ito.

Naramdaman ko ang dalawang kamay nito sa aking bewang. I just remain my position, mas lalo pa nya akong niyakap sa likod.

"Pikon." She put her chin on my shoulder.

Winaksi ko nga. "Sige mang asar ka pa."

"Pikon." Narinig ko pa itong tumawa ng mahina.

Humarap ako para hampasin sana ulit ang braso nito pero nasurpresa ako ng biglang sumalubong ang mga labi nito. Hmmmmm...

Mabilis akong napakapit sa magkabila nitong braso. She hug my waist closer. Mas lalo pa nitong pinagdikit ang aming katawan. Dahan-dahan itong naglakad hanggang sa sumandal ang likod ko sa pader.

"I love you." Sabi nito ng maghiwalay ang labi namin.

"I love you too."

Pagkatapos naming maligo umalis naman kami papunta sa isang restaurant.

"Love, may nakausap pala akong isang patient sa hospital. Naghahanap sila ng private nurse, iniisip ko lang kung pwede kaya akong --"

"Nope." Sagot ko agad. I take a sip of my wine.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now