Chapter 34

8.5K 248 37
                                    

Max's POV




24 hours ng nawawala si Luis, hanggang ngayon wala pa ring balita kung sino ang dumukot sa kanya. Kahit ako parang gusto ko ng panghinaan ng loob, pero hindi pwede. Hindi ko pwedeng ipakita kay Angel na natatakot ako, natatakot ako na baka hindi na namin makita si Luis.

Pakiramdam ko parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita si Angel na umiiyak. Gusto ko ring umiyak, gusto ko syang damayan pero gaya ng sabi ko hindi pwede. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa ganitong sitwasyon. Lalo na't sa akin lang sya kumukuha ng lakas ngayon.

"Isa na lang love. Sige na please?" Paki-usap ko habang sinusubuan ito.

"Ayoko na. Feeling ko masusuka na ako kapag sinubo ko pa yan." Nanghihina ang boses nito.

"Max." Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Rafael, kasama rin nito ang mga magulang ni Angel.

"Oh Raff." Nilapag ko muna ang plato sa mesa.

"Can you come with me?" May pagmamadali nitong wika.

"Kami na muna ang bahalang magbantay dito. Sumama ka na." Seryosong wika ni tito Alfred.

"Wait, saan kayo pupunta kuya?" Hinawakan ni Angel ang braso ko. "Max sasama ako. Ayokong maiwan dito."

Lumapit si tita Amanda sa anak at mahinang hinaplos ang likod. "Anak pabayaan mo muna sila. Babalik rin si Maxwell mamaya."

Hindi nito pinansin ang ina at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "No, kung aalis ka sasama ako." Nagsisimula na naman itong umiyak. "Wag mo'kong iwan dito na mag-isa. Natatakot ako." Hinila nito ang braso ko at niyakap. "Please wag mo kong iwan."

"Angel, makinig ka sa amin ng mommy mo. Babalik rin si Max, may pupuntahan lang sila sandali ni Rafael."

"I said no!!!" Sigaw nito. Tuluyan na nga itong yumakap sa katawan ko.

"Love babalik naman ako kaagad. Don't worry andito naman ang mga magulang mo." I kiss her forehead.

Umiling-iling ito. "Ayoko, ayoko."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Will you stop being childish Angelica! Kahit ngayon lang." Galit na wika ni Rafael.

"Rafael." Pigil ng ama nito. "Sige na lumabas ka muna. Ako na ang bahala dito."

Bumuntong hininga muna si Rafael bago lumabas.

"Sige na love aalis na ako. Promise babalik ako kaagad."

Hindi sumagot si Angel, panay lang ang iyak nito na parang ayaw nya talaga akong umalis.

Pilit kong kinakalas ang dalawang kamay nitong nakapulupot sa katawan ko. "Angel please."

"N-natatakot ako." Tumingin ito sa akin.

Shit. Nasasaktan ako kapag nakikita ang mga luha nya. "Love ---."

"Baka pati ikaw mawala sa akin. Wag mo naman akong iwan dito Max oh." I hate to see her begging. Lalo na sa kalagayan nya ngayon.

I wipe her tears. Ngumiti ako para kahit paano gumaan ang pakiramdam nito. "Hindi ako mawawala pinapangako ko. Hindi kita iiwan kahit kelan, babalik ako love sinisigurado ko sayo." Naaawa ako sa kanya pero hindi naman pwedeng hindi ako umalis. Alam kong tungkol ito kay Luis.

"Sige na anak, kelangan ng umalis ni Max." Hinawakan ng dad nito ang dalawang kamay ni Angel para ilayo sa katawan ko.

Bumitaw na rin ito. Hinalikan ko muna ang noo nito bago tumalikod. Rinig ko pa ang paghagulgol nito ng iyak bago ako tuluyang lumabas at sinara ang pinto.

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon