Chapter 36

8K 203 9
                                    

Max's POV







Sabi nila kapag mahal mo raw ang isang tao lahat magagawa mo. Lahat kakayanin mo, lahat ibibigay mo.

At lahat isusugal mo kahit sarili mo pang buhay ang mawala.

"Angel i like you. Oh no mali. Hindi lang pala gusto, i love you Angelica noon pa man inlove na ako sayo. Naalala mo nung una tayong magkita sa hacienda? Di ka na nawala sa isip ko kaya nga nung magkita tayo ulit sa mansion at nalaman ko na kapatid ka ni Lorenzo ay sinikap kong maging malapit sayo. Ginawa ko ang lahat para iparamdam sayo na mahalaga ka sa akin at hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari. Kahit gaano ka pa kasungit at ka-bipolar ay tatanggapin ko dahil MAHAL kita my Angel".

"Meron rin akong sasabihin sayo at makinig ka rin ng mabuti. Alam mo ba Max kung bakit palagi akong nag-susungit sayo? Dahil gusto ko yung feeling na parati mo akong binibigyan ng atensyon. Kapag sinasaway mo ako o di kaya pinagsasabihan you make me feel special. I love you too Max, hindi mo rin alam kung gaano ko ito katagal tinago. I really feel blessed when you came into my life, you're my hero, my bestfriend, my diary, my partner, my sister, my saviour, my buddy, in short you're my everything Max. Natakot ako noon dahil akala ko isang kaibigan lang ang tingin mo sa akin, hindi mo alam kung gaano ako ka'saya ngayon that you felt the same way".

Angelica..

I feel my heart beat fast. Sabay ng pagtibok nito ng mabilis ang pagkirot. Kumikirot ang puso ko na parang tinutusok ng karayom.

"Aaahh.." Napamulat ako sa sobrang sakit.

"Max." Gulat nitong sigaw.

"Angel, ang sakit." Hinawakan ko ang kamay nito.

"Kuya call the doctor." Utos nito kay Rafael. "S-saan ang masakit baby?"

Hindi ko maintindihan ang sakit. Para itong tinutusok at dinudurog.

"Baby relax. Look at me."

"Maxwell anong nararamdaman mo?" Wika ng isang doctor.

"I-i can't breath." Pakiramdam ko kinakapos ako ng paghinga.

"Nurse oxygen. 10 liters." Utos nito sa nurse bago bumaling ulit sa akin. "Maxwell pain scale from 1 to 10?"

"10." Sinikap ko paring sumagot.

"Pakibigay ng pain reliever."

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko ng maisuot ang oxygen mask at naiturok ang gamot. Parang nawala saglit ang paninikip ng dibdib ko.

"Doc, what happen?" Naiiyak na wika ni Angel.

"It's normal, lalo na't kakagaling lang nya sa isang major operation. Dalawang araw syang nakatulog kaya hindi pa natin masasabi kung ano talaga ang lagay ng puso nya. All we can do now is to observe her."

"Pero hindi naman delikado ang lagay nya di ba?"

"Hindi ko pa masasagot yan sa ngayon. Gaya ng sabi ko, avoid stress kapag nagising sya. We don't want any complication."

Hindi malinaw sa akin ang pinag-uusapan nila. Hindi naman ako makapag-tanong dahil nararamdaman ko parin ang sakit.

Lumapit si Angel sa tabi ko. "Baby i'm so happy." Hinaplos nito ang buhok ko. "Thank god."

"Tawagin nyo agad ako kapag sumakit ulit ang puso nya. Nasa labas lang ako."

"Ok po doc. Salamat." Wika ni Rafael. Lumapit na rin ito sa tabi ko.

I try to smile.

"Max, masaya kami at sa wakas gising ka na."

"Kuya pwedeng ikaw na lang ang tumawag kina dad at sa parents ni Max?" Panay lang ang haplos nito sa buhok ko.

"Sige. Lalabas na rin ako para bumili ng pagkain nyo." Naramdaman ko ang pagtapik nito sa kamay ko. "Wag kang matutulog. Hintayin mo kami."

Ngumiti parin ako kahit natatakpan ng oxygen mask ang bibig ko.

Ng makalabas si Rafael tumingin naman ako kay Angel. I hold her hand, dinala ko ito sa kaliwang dibdib ko kung saan ako nabaril.

"Yeah, i know it hurts." Tumulo ang luha nito. "Alam mo bang halos mamatay na ako sa pag-aalala sayo. Hindi ako makakain at makatulog sa kakaisip. Hindi ko alam kung anong iisipin para lang mawala ang lahat ng masasamang bagay sa utak ko."

Binaba ko ang mask. "I'm sorry."

"Max naman, ako ang dapat humingi ng tawad at hindi ikaw." Inayos ulit nito ang mask. "I'm so sorry for being so childish. Kung hindi dahil sa pagiging immature ko noon sana hindi nangyari to. I was so selfish, kasalanan ko lahat kaya dapat ako ang nabaril at hindi ikaw."

Hindi muna ako sumagot at pinakinggan lang ito. I still feel pain.

"I'm sorry. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko. Sana kung naging mas sensitive lang ako sa mga pangyayari hindi na tayo aabot sa ganito. Kung hindi na lang sana ako pumunta ng araw na yun sa condo ni Abby, di sana ---."

Binaba ko ulit ang mask. "Sshhh.. Ok lang ako. Kalimutan na natin ang mga nangyari. Wala kang kasalanan kaya --- aaahhh." Agad akong napahawak sa dibdib ko. Bigla na naman itong kumirot.

"M-max." Akmang lalabas si Angel kaya agad ko itong hinawakan.

"S-stay." Pinikit ko ang mga mata at inayos ulit ang oxygen mask.

"Pero tatawagin ko ang doctor."

Umiling-iling ako at hinila ito paupo sa tabi ko.

"Why?"

Hindi ako sumagot at niyakap na lang ito.

I just want to hug her.

***





5 days after...

"Di ba sabi ng doctor hindi pa raw safe sayo ang bumyahe?" Wika ni Angel habang nag-aayos ng mga damit. Kakalabas ko lang sa hospital ngayong araw.

"Pero kelangan ko ng bumalik sa states love. Malapit na ang graduation, marami pa akong hindi natatapos."

"States?" Excited na wika ni Luis.

"Max, mas importante sa akin ang sitwasyon mo. Ayokong pagsisihan na naman to sa huli. Please understand me."

Napabuntong hininga ako. Oo naiintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin pero paano ang pag-aaral ko?

"Magpagaling ka muna kahit mga isang buwan lang dito." Umupo ito sa tabi ko. "Babalik naman tayo pero hindi muna sa ngayon."

"Sige. Siguro mas makakabuti nga kung magpapahinga muna ako." Sabagay minsan kumikirot pa talaga ang dibdib ko. Feeling ko hindi pa nga safe sa akin ang bumyahe ng malayo.

"Mom, can I play with tito Rafael?"

"Sure, go to his room. Just don't go outside ok?"

"Yeah." Nagmamadali itong tumakbo palabas ng kwarto.

"Syanga pala kumusta ang kaso ni Kenneth? Hindi ko yata narinig na nabanggit nyo sya?"

"Mabubulok na sya sa kulongan." Walang kaemosyon-emosyon nitong sagot. "Wag na natin syang pag-usapan sa ngayon. Baka makasama lang sayo kung maiisip ulit ang mga nangyari."

Inakbayan ko ito. "Nagtatanong lang naman. Natatakot lang ako, ayoko na may masama pang mangyayari sa atin. Mabuti na lang at ako ang ---."

"Max walang mabuti sa mga nangyari." Kumunot ang noo nito. "Please wag na lang natin syang pag-usapan."

"Ok."

She sigh and kiss my hand. "I love you."

"I love you too." Hinalikan ko ang pisnge nito. "I miss you."

Napangiti ito. "I miss you so much. Ang swerte ko parin kahit ganito ako." Maingat itong yumakap sa katawan ko. "Don't leave me baby. Kahit anong mangyari wag mo na ulit gagawin yun ha. Baka hindi ko na kakayanin sa susunod."

"Wala ng sa susunod. I promise to be more careful, hindi ko hahayaan na mapahamak ulit ang isa sa inyo."

"Baby.." She suddenly kiss my lips. Hindi naman ako nagdalawang isip pa at agad ring gumanti.

'Love'.

••••

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon