Chapter 13

10.4K 263 9
                                    

Max's POV

"Thank you po tito." Nakangiti kong wika sa ama ni Angel.

"Ano ka ba Maxwell, you don't have to thank me. Plano ko naman talagang ibigay sayo ang lupang yun. Ang totoo nyan regalo ko sana sa inyo ni Angelica para sa kasal nyo kaya lang hindi naman kayo umuwi dito agad kaya pinagpaliban ko na muna. Mabuti nga at may oras tayo ngayong mag-usap."

"Nakakahiya naman po kasi tito. Kayo na nga po ang nagbigay ng bahay namin --"

"It's all my gift. Wag mo ng isipin ang mga iyon. Alam mo namang anak na rin ang turing ko sayo kaya tama lang yan. You deserve all of that."

Ngumiti lang ako at humigop ng kape. Napakabait talaga ni tito Alfred.

"Kumusta ang pagsasama nyo? Hindi ba sumasakit ang ulo mo kay Angel?"

Natawa naman ako sa ginamit nitong salita. "Hindi naman po. Sa tingin ko nga po mas nagmature na sya ngayon. Mabuti nga po nagkaroon sya ng business kasi feeling ko nakatulong yun sa kanya."

"That's actually my plan. Alam kong alam mo kung paano tumakbo ang utak nya, she needs time to explore her capabilities. Napakalaki talaga ng tulong mo sa amin ng asawa ko Maxwell. I'm really happy that we met you."

"Mahal ko naman po sya kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya." Seryoso kong wika.

"I know Maxwell. Kung tutuusin kaming dalawa ng tita mo ang may malaking utang na loob sayo."

"Tito wala po yun. Ang mahalaga naman ngayon ay ok sya. Kontrolado ko naman po ang lahat."

"That's a good news." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat ko. "I trust you."

*Flashback

"Sir?" Nagulat ako ng makita ang ama ni Angel sa labas ng pintuan namin. "P-pasok po kayo." Natataranta kong wika.

Pumasok naman agad si Sir Alfred. "Nasa trabaho na ba ang mga magulang mo?"

"Opo. Uhm may sadya po ba kayo sa kanila?"

"Wala naman. Ang totoo nyan ikaw ang sadya ko."

"Ha? Ako po?" Turo ko sa sarili.

"Yes ikaw." Nakangiti nitong sabi.

"S-sige po umupo muna kayo. Kukuha lang ako ng maiinom."

"Wag na Maxwell, may importante lang akong sasabihin sayo."

Bigla akong kinabahan. "I-importante?"

"Sit down."

Dahan-dahan naman akong umupo. Magkatapat ang pwesto namin.

"Pwede ba akong magtanong?"

"Oo naman po. Ano po yun sir?"

"Gaano mo na ba kakilala si Angelica?"

"Sir? Si Angel po? Ahmmm.." Napaisip ako. "Mula naman pagkabata kilala ko na po sya sir kaya siguro masasabi kong kilalang kilala na."

Hanggang ngayong magkasintahan na kami feeling ko hindi naman nagbago si Angel. Ganun parin ang ugali nya mula ng makilala ko sya.

Kelangan ko nga palang mag-ingat sa sasabihin ko. Baka madulas ako at masabi kong may relasyon na kami ng anak nya. Lagot ako pag-nagkataon.

"Alam mong paborito kita hindi ba? Alam mo ring hindi ako tutol sayo basta uunahin muna ang pag-aaral hindi ba?"

"O-opo." Nagbaba ako ng tingin. Mas lalo akong kinakabahan. May alam ba sya? Paano kung alam na nya ang relasyon namin? Paano kung hindi na nya ituloy ang scholarship ko? Paano kami ni Angel? Paano ang pangarap ko?

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon