Chapter 23

9.5K 252 23
                                    

Angel's POV


"Get out!" Sigaw ko agad ng makita si Abigail na nakaupo sa loob ng office ko.

Para naman itong bingi dahil hindi man lang natinag sa kinauupuan.

"Tanga ka ba? I said get out." Maldita kong wika.

Isang linggo na ang nakalipas mula ng huli kaming magkita sa condo nya. Kahit ilang araw na ang dumaan tandang-tanda ko parin ang mga sinabi nya.

"Relax. Hindi ako pumunta dito para makipag-away."

"Tsss. Hindi ako bobong katulad mo kaya pwede wag ka ng mag-drama." Nilapag ko ang shoulder bag ko sa table. Hinahanda ko na ang sarili kung sakaling magkakasabunutan kami.

Ngumiti ito na parang walang pakialam.

Mas lalo akong naiinis sa kanya.

"Well, gusto ko lang magpaalam ng pormal. Ayoko namang sabihin mo na unprofessional akong tao." Tumayo ito at inabot ang isang folder.

"Ano yan?" Taas kilay kong tanong.

Hindi ko tinanggap ang folder kaya nilapag nya ito sa mesa.

"Resignation letter ko. Just to clear all my connections with you. Baka kasi bumagsak tong maliit mong company at masisi pa'ko."

"Ang kapal mo talaga noh. Kahit naman hindi mo ako bigyan nyan talagang aalisin na kita dito."

Nakakainsulto itong tumawa ng mahina. Parang pinapakita nya sa akin na hindi sya apektado sa mga sinasabi ko. "Ganyan ka na ba talaga ka-galit sa akin? Calm down, wala pa nga akong ginagawa kay Max."

Inaasahan ko ng mapupunta ang usapan namin dito.

"Wala ka pang ginagawa? Bakit ano bang gagawin mo? Aakitin mo sya? Maghuhubad ka sa harap nya? Bakit hindi mo na gawin ngayon Abby. Tingnan natin kung papatulan ka nya." Matapang kong hamon.

She shake her head while smiling. "Parang sanay na sanay kana yata sa ganito. Bakit Angel, ilang beses kana bang nakipag-away sa ibang babae? I'm sure kasi hindi lang ako ang nag-iisang babae na nagnanais na maagaw sya sayo."

Nagnanais na maagaw? Kapal.

"Ano bang pakialam mo? Wala akong panahon para ikwento sayo ang mga katulad mong malalandi." Yeah, they're all bitches.

"Hindi ako malandi. Sadyang nakikita ko lang na hindi sya bagay sayo. Masyado syang mabait at inosenti para sa katulad mong napaka-sama ang ugali."

Wow, nagsalita.

"Nakakahiya naman sa gandang ugali mo. Ano naman ngayon sayo kung masama ang ugali ko? Ikaw na nga tong nanghihimasok sa buhay namin ikaw pa tong may ganang manghusga?"

"Totoo naman ang sinabi ---."

Hindi ko ito pinatapos. "Gaya ng sabi ko sayo Abby, wag mo akong susubukan. Tama ka sanay na ako sa ganito. Sanay na ako sa mga katulad mong makakati, na kulang na lang magpagawa ng pakpak para lang ipakita kay Max ang pagiging anghel sa bait." Kinuha ko ang folder nya sa mesa. "Pwede ba umalis ka na. Baka makita mo lang kung gaano kasama ang ugali ko at hindi ka na makalabas ng buhay dito."

Tumalikod ako at tinungo ang basurahan para itapon ang folder.

Hinarap ko ulit ito. Nakatingin lang ito ng masama sa akin. Tingnan natin ang tapang mo. Tsss.. "Ano pang hinihintay mo? Get out."

Bakas ang inis sa kanyang mukha. Umirap ito at naglakad na palabas.

Bitch!

Mabuti naman at umalis na rin ang gaga. Isang dosenang tanga para kalabanin ako. Napaka-landi, bwesit.

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon