Chapter 4

14.4K 293 16
                                    

Angel's POV



"Roses are red. Violets are blue. I'm sorry, I love you." Si Max?

Napalingon ako. Nakangiti si Max habang papalapit sa akin. May dala itong bouque ng flowers.

Binitiwan ko ang hawak kong hose. Wala kasi akong magawa kaya naisipan ko munang magdilig ng mga halaman.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"For you love." Inabot nya ang bulaklak.

"Akala ko ba may pasok ka?" Hindi ko muna tinanggap. I crossed my arms.

"Oo pero hindi natuloy love. Wala si doc."

"Ah ganun?" Mataray kong wika. Nakakainis.

"Oo. Uhmm. Sorry?" She hold my waist.

Kinuha ko ang flowers. "Saan mo to binili?"

"Sa favorite flower shop mo. Sorry love ha?" She quickly kiss my cheek.

Inamoy-amoy ko ang roses. "Nag-effort pa naman akong magluto tapos iniwan mo lang ako." Nakakatampo talaga.

"Alam ko namang nag-effort ka love. Umuwi nga ako agad dito eh. Excited na akong kainin lahat ng niluto mo."

Takaw! Alam ko namang gutom na sya ngayon.

"Wala ka ng kakainin. Tinapon ko na." It's not true. Gusto ko lang makita ang reaction nya.

"Ha?! Bakit mo naman tinapon? Love naman, sayang yung hotdog." Umatras ito na parang hindi makapaniwala.

"Hotdog? What about my effort? Mas iniisip mo pa sila kesa sa akin?"

"Pagkain yun love. Pati pagkain pagseselosan mo?"

"Hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako sayo." Nilampasan ko sya at naglakad papasok ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod nito.

"Kahit na. Sayang parin yun eh."

Nagtuloy-tuloy ako sa may hagdan. Gusto kong ilagay ang mga flowers sa kwarto namin.

"Angel." Nanghihina ang boses nito.

Bigla naman akong naawa kaya nilingon ko ito. Parang naiiyak na ang kanyang mukha, at alam kong dahil yun sa gutom.

I use an 'Come here' index finger sign.

Agad naman itong lumapit. Hinawakan ko ang chin nya gamit ang isa kong kamay. "Gutom na gutom kana?"

"Oo love."

"Ok." Nagkibit balikat ako. "Nasa kusina ang pagkain mo. Kung hindi lang kita mahal baka tinapon ko na talaga ang mga yun."

Dahan-dahang lumabas ang nakakatunaw nyang ngiti. Shit, bakit bigla yatang nag-iba ang mood ko. Parang gusto ko syang halikan.

"Totoo love? Akala ko ba --" Hindi ko na sya pinatapos at mabilis na kinuyumos ng halik ang kanyang labi. Hmmm..

Ngiti palang nang-iinit na'ko. Baka malapit na ang period ko kaya ganito na naman ako.

Napatigil ako ng bigla nyang pinaglayo ang labi namin. "Later love. Kakain muna ako ha."

"S-sure." Pinagdikit ko ang sariling labi. 'Angel, pakainin mo muna. Mamaya na yan, marami pa kayong oras and besides she's all yours.'

"Thanks love." Nagmamadali itong tumalikod at tinungo ang kusina.

---

"Dad, I'm not ok with it!" Naiinis kong wika. Andito kami sa bahay ngayon kasama ang buo kong pamilya. Including Megan. Tssss..

Labstory II (gxg) - SEQUELOù les histoires vivent. Découvrez maintenant