Chapter 10

13K 293 29
                                    

Angel's POV


"So what do you think Max?" Sabi ko ng matapos kong ekwento sa kanya ang sinabi ni Red tungkol kay Abigail.

Andito parin kami sa isang restaurant.

She sighed. "Ang totoo nyan noon ko pa alam na homophobic sya love."

"Really? Paano mo naman nalaman?" Nagtataka kong wika. Bakit hindi nya yata nabanggit sa akin to.

"Well, hindi naman nya sinabi sa akin ng diretso pero sa tono kasi ng pananalita nya kapag kausap ako halatang-halata naman."

"Wait, kapag kausap ka?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"I mean, oo kapag nagkakausap kami minsan. Pero alam mo love pakiramdam ko parang may mali sa kanya."

"What do you mean mali? Para sa akin yung pagiging sobrang homophobic nya nga mali na yun eh. Ang oa lang kasi ng ganung tao." Naiirita talaga ako.

"Basta may mali sa kanya. Hindi ko makita kung ano basta feeling ko ibang tao sya kapag kayo ang magkasama."

"Ha? Hindi ko ma-gets Max."

"Ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin pero ang bait nya kasi kapag kausap ka."

"Maybe because she's just being professional." Baliwala kong wika. "Actually that's exactly my point, mabait naman sya kapag magkausap kami kaya hindi ko nararamdaman yung pandidiri nya sa third sex."

"Tama ako di ba? May mali talaga sa kanya. Ang pangit ng mga sinasabi nya sa akin tapos pagdating sayo ang bait-bait naman."

Uminom muna ako ng wine. Napa-isip tuloy ako. Kung ganun sa akin lang pala sya nakikipag-usap ng maayos? Pero pagdating kay Max o kay Red hindi?

Tumayo ako. "Magbabanyo muna ako saglit."

"Sige, magbabayad na rin ako para makauwi na tayo."

Tumango lang ako saka tumalikod. Tinungo ko ang banyo.

Pagkatapos kong mag-cr bumalik ulit ako sa table namin. Malayo palang ako nakita ko na si Max na nakatayo habang may kausap na babae.

"L-love." Parang nagulat naman si Max ng makita ako.

Sinipat ko naman ang babae. Maganda ito at matangkad.

"I suppose you're Max girlfriend?" Ngumiti ito. "I'm Arabela by the way." Inabot nito ang kamay para magpakilala.

Tinanggap ko ang kamay nito. "Angelica,her wife actually."

Umakbay si Max sa akin. "Kasama ko sya sa hospital love. Isa sa mga doctor namin."

Infairness ang bata pa nyang doctor ah. "Ok. So anong pinag-uusapan nyo? Bakit hindi kayo umupo muna?"

"Max hindi ko alam na may asawa kana pala?" May kung ano sa tono ng pagkakasabi nito. "I thought you're single."

Tumaas ang kilay ko. Suot-suot naman ni Max ang wedding ring namin palagi kaya bakit mapagkakamalan pa syang single.

Pasimple kong siniko ang tagiliran ni Max.

"Ahmmm. Alam naman ng ibang tao dun na may asawa na ako." Natatawang sabi ni Max. Parang ewan to.

"Kung ganun pati si Kathy alam rin na may asawa kana?" Sumeryoso ang kanyang boses.

Kathy? Familiar ang pangalan nya.

Tiningnan ko si Max dahil hindi na ito sumasagot. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan. Why she seems so tense?

"Mukhang hindi yata alam ni Kathy --."

"A-alam nya." Sagot agad ni Max.

"Really? Then why did she kiss you?" Madiin ang pagkakasabi nito.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now