Chapter 27

8.6K 246 40
                                    

Max's POV






What ever happened in Cebu stays in Cebu.

Naging klaro naman kina Trina, Lewis at Maddie ang sitwasyon ko. Yes, inaamin ko may kasalanan din ako sa nangyari sa amin ni Abby. Pero nangyari na ang nangyari kaya wala na akong magagawa. Maybe i'll just stay away from her. Kahit pa parati ko parin syang nakikita kasama si Ken. Hindi ko alam kung ano na ang status ng relasyon nila pero isa lang ang sigurado ko, hindi sya seryoso rito. Ewan ko kung anong gusto nyang gawin kay Ken, but it's very obvious that she just want me to get jealous.

It's been one week now.

Nag-resign na rin ako sa trabaho ko para mapag-tuonan ko ng mabuti ang pag-aaral ko. Well, I have to make one choice for the better.

Kakauwi ko lang sa bahay at agad namang sumalubong sa pinto ang napaka-cute na si Luis.

"Hey baby, come to dada. How's your ----." Hindi ko natuloy ang sasabihin ng makita si Angel na naka-upo sa sofa at masamang nakatingin sa akin. "Ok ka lang love?"

"Sit down." May diin nitong utos.

Ginulo ko muna ang buhok ni Luis bago lumapit sa gawi nito. "Ba't parang wala ka sa mood?" Natatawa kong wika.

Hindi ito sumagot at masama paring nakatingin sa akin. I know that look, at hindi ko gusto ang tingin na yan.

Umupo ako sa tabi nito pero agad naman itong umalis at lumipat.

"Ano bang nangyayari? May problema ba?" Nagtataka kong wika.

Napansin ko ang hawak nitong envelop. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Seryoso nitong tanong.

"Ha? Hindi sinasabi?" Bakit bigla akong kinabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "W-wala naman."

"I will ask you one more time Maxwell. May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Mas matigas nitong wika.

Napalunok ako. "Ahmm... L-love hindi kita maintindihan."

Tumayo ito at tinapon ng malakas sa akin ang hawak nyang envelop. "Fuck you! Gusto mo pa talagang ilihim sa akin to?"

Ilihim?

"H-ha .. " Dali-dali kong binuksan ang envelop. Napanganga na lang ako ng makita ang nasa loob. What the hell?

Mga picture namin ito sa Cebu. Ako, si Ken, Trina, Lewis, Maddie, Anton at.

Abby?

Pakiramdam ko nagrambulan ang puso ko at mga lamang loob dahil sa nakita. Shit! Alam kong namumutla na ang mukha ko ngayon dahil sa kaba. No, hindi kaba kundi takot.

"Ano? Gagawin mo'kong tanga? Ano na naman ang idadahilan mo kung bakit magkasama kayo?" Sigaw nito.

Napayuko ako habang nakatingin parin sa mga larawan. May picture pang nagtatawanan kami ni Abby.

Saan to galing?

Tumayo ako. "Angel let me --."

"Shut up!" Malakas nitong sigaw. "Alam mong galit ako sa babaeng yan di ba? Hindi ka naman manhid para hindi mo maramdaman na pinagseselosan ko sya."

"Calm down." Pag-mamakaawa ko. "I can explain everything." Lalapitan ko sana sya pero dumistansya agad ito.

"Don't you dare." Nanginginig ang kamay nito habang dinuduro ako. "Punong-puno na'ko sa babaeng yan. Binalaan na kita Max, alam mong ayoko sa lahat ang ginagawa akong tanga!"

"Hindi kita ginagawang tanga. Hindi ko naman alam na nasa Cebu ---."

Kinuha nito ang flower vase at mabilis na tinapon. She's being hysterical. "I hate you!" Nagtakip ito ng mukha at humagulgol ng iyak.

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon