Chapter 35

9.7K 284 77
                                    

Angel's POV






***

Binitiwan ko ang doorknob saka umatras. Enough, hindi maganda ang kutob ko sa pag-uusap nila kaya nagmamadali na akong umalis.

"Hey!!!"

Nakaka-limang hakbang pa yata ako ng biglang may sumigaw. Agad akong lumingon. Nakatayo ang isang lalaki sa harap ng pinto ni Abigail.

So sya ang kasama ni Abby sa loob?

Wait, he looks familiar.

Nakakunot noo ako habang iniisip kung saan ko ba sya nakita.

"What are you doing here? Di ba asawa ka ni Max?"

"Ha?" Teka, yeah i remember. Isa sya sa mga kaklase ni Max, tama nakita ko na sya sa airport dati at sa mga pictures.

"Angel." Lumabas naman sa pinto ang pinaka-kinamumuhian kong tao ngayon. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray nitong tanong.

Wow, ang lakas ng loob nya para itanong sa akin yan. Bitch!

Bumalik ang lahat ng galit ko sa kanya. Pumasok ulit sa utak ko ang mga larawan nila ni Max sa cebu.

Di ko napigilan ang sarili na sugurin ito at ipadama ang kamay kong nangangati na para sa sampal.

I immediately slap her face. "Whore!"

Nabigla ito sa ginawa ko pero agad ring nakabawi. "Walang hiya ka!" Akmang sasampalin nya rin ako pero agad namang pinigil ng lalaki ang kamay ni Abby.

"Stop."

Pabalang nitong binawi ang kamay. "Pwede ba wag kang makialam dito. Umalis ka na!" Galit na wika ni Abby sa lalaki. Tumingin ulit ito sa akin.

Parehong nag-aapoy sa galit ang mga mata namin ngayon. Walang gustong magpatalo. Tsss.. Lalo naman ako.

"Sobrang kati mo talaga Abigail! Gagawin mo talaga ang lahat para masira kami ni Max!" I fuckin hate her.

"So nakita mo na pala?" Kung ganun tama ang hinala ko na sya ang nagpadala ng mga pictures kanina. She smile and crossed her arms. "Alam mo kulang pa nga yun, sayang hindi ko nakunan yung kiss namin sa kwarto."

K-kiss? Sa kwarto?

Agad rumagasa ang selos sa dibdib ko. "K-kiss? No, hindi yan magagawa --."

"Ang sarap talagang humalik ng asawa mo. Alam mo ba hanggang ngayon ramdam ko parin kung paano nya angkinin ang labi ko." Malandi nitong kinagat ang lower lip. "I really love it."

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala. Nanginginig na ang kamay ko, nadadagdagan lang ang galit ko sa kanya ngayon.

"Bitch! Napakalandi mo!" Galit na galit kong sigaw. Sasampalin ko sana ulit ito pero humarang ang lalaki sa harapan ko.

"Wait!" Bakas ang pagkalito sa mukha nito. Tumingin ito kay Abigail. "May gusto ka kay Maxwell? Sya ba? Sya ba ang dahilan kaya hindi mo'ko masasagot-sagot?"

May himig na pagseselos nitong wika. Napataas ang kilay ko.

Hindi sumagot si Abby kaya ako na ang nag-salita. "Hindi mo alam?! Kung ganun hindi mo alam na nababaliw sya sa asawa ko?" Nagkatinginan kaming dalawa. Biglang nag-bago ang ekspresyon ng mukha nito na parang hindi nya nagustuhan ang narinig. Kita ko ang selos at galit sa kanyang mga mata. Alam ko dahil ganyan din ang nararamdaman ko ngayon.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now