Chapter 25

8.9K 251 20
                                    

Max's POV

It's our second day. As usual after namin sa conference diretso agad kami sa hotel para magpahinga.

Isang buong araw akong nakikinig sa speaker kaya pagod na pagod na ang utak at tenga ko.

"Hindi ka ba magdi-dinner Max? Lalabas kaming lahat."

"Mamaya na siguro. Medyo masakit kasi ang ulo ko, matutulog muna ako sandali." Sagot ko kay Trina. Umayos ako ng higa.

"Ok. Sasabihin ko na lang sa kanila na hindi ka makakasabay." Binuksan nito ang pinto. "Syanga pala nakita ko si Abby sa baba. Isasama yata sya ni Ken."

"Ganun ba. Sige pakisabi na lang."

"Ok." Tuluyan na nitong sinara ang pinto.

Pinikit ko ang mga mata ko. Hayy.. Last day na namin bukas at uuwi na kami. Hindi na ako makapag-hintay na makita ulit si Angel at Luis. Miss na miss ko na talaga sila.

Niyakap ko na lang ang unan. Makatulog na nga muna.

*30 minutes after

"Hmmmm..." Ungol ko. Pakiramdam ko may humahaplos sa mukha ko. Hindi naman ako nananaginip di ba? Parang totoong-totoo ang feeling ko eh.

"Max." Malambing na wika ng pamilyar na boses habang patuloy parin ito sa paghaplos sa mukha ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata.

"Abby?" Nagulat ako kaya bigla akong napa-upo. "Ouch." Agad kong nasapo ang ulo, nahihilo ako.

"Are you ok? Mahiga ka nga muna." Inalalayan ulit nya ako para mahiga.

"What are you doing here? Akala ko sumama ka kina Ken?"

"No, hindi na ako sumama. Sabi kasi ni Trina masakit raw ang ulo mo kaya nagpa-iwan na lang ako."

"Kanina kapa ba?"

"Hindi naman masyado." Hinawakan nito ang ulo ko. "Masakit pa ba? Gusto mo ba ng gamot?"

"Ha, ok lang hindi naman na masakit." Bumangon na ako at tumabi sa kanya. "Sana hindi kana lang pumunta dito."

"Bakit naman? Ayaw mo ba akong makita?" Malungkot nitong saad.

"Ha? Hindi. I mean sana sumama kana lang sa kanila. Di ba kakain sila?"

"Nawalan na ako ng gana. Akala ko kasi sasama ka kaya tinanggap ko ang imbitasyon ni Ken."

"Speaking of Ken. Alam mo bang may sinabi sya sa amin."

"Sinabi? Anong sinabi nya?"

"Uhmm.. Sabi nya nililigawan ka daw nya." Actually pinagmamalaki ni Ken kay Anton ang panliligaw daw nya kay Abby. Hindi naman ako nagkomento o ano, baka sabihin pa nya na nakikialam ako sa kanilang dalawa.

"Naniwala ka naman?" Nakangiti ito at hindi naman mukhang apektado sa sinabi ko.

"Yeah. Hindi ba totoo?" Kunot noo kong tanong.

"Kung sasabihin ko bang hindi maniniwala ka?"

"Imposible namang hindi totoo. Halata naman kasing may gusto sya sayo. Di ba simula pa lang na makita ka nya panay na ang pa cute nun sayo."

"Pa cute? So pansin mo pala ang pagpapa-cute nya sa akin?" May himig tukso nitong wika.

Tumayo ako. "Hindi lang naman ako ang nakakapansin Abby. Lahat kaya kami napapansin yun."

"Talaga?"

"Oo."

"Pero Max ikaw, sa tingin mo ba ok lang kung manligaw sya sa akin?"

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now