Chapter 15

9.4K 227 15
                                    

Max POV


"Do you really have to call Max in the middle of the night? Di ka ba pwedeng sumakay na lang ng taxi?" Mataray na salubong ni Angel ng makapasok na kami ni Kathy sa loob ng kotse. Pina-upo ko sya sa likuran at magkatabi naman kami ni Angel sa harapan.

"Love, it's ok." Singit ko agad. Sinulyapan ko muna sa salamin si Kathy bago pinaandar ang sasakyan.

"S-sorry talaga sa abala. Wala na kasi akong maisip na matatawagan." Paumanhin na wika ni Kathy.

"Actually I'm glad that you call me Kath. Mas ok na yun kesa umuwi kang mag-isa." Medyo binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse dahil wala namang masyadong sasakyan kapag ganitong oras.

"Tsss.." Umirap si Angel at nag-cross arms. Hindi ko muna pinansin ang pagtataray nya.

"Ano bang pinag-awayan nyo Kath? Bakit kelangan iwan ka nyang mag-isa?"

"Siguro punong-puno na sya sa akin. Hindi ko alam Max, wala naman akong ginawang mali. Gusto ko lang naman syang ipakilala sa mga magulang ko eh. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sinabihan na lang nya akong nakakasakal." Malungkot nitong pahayag.

"Tapos nag-away na kayo dahil dun?"

"Oo. Uhm sa tingin mo Max ano bang dapat kong gawin?"

"Wag kang bobo at tanga. Hiwalayan mo, as simple as that." Singit ni Angel sa kanyang mataray parin na boses. That's harsh.

"Angelica?" Tiningnan ko sya ng masama para tumigil na at hindi muna sumabat sa usapan namin. Kahit kelan hindi nya mapigilan ang bibig.

"What? I'm just helping her. Hindi sya totoong mahal ng Arabela na yun." Lumingon ito kay Kathy. "Alam mo Kathy kung concern sya sayo at mahal ka talaga nya hindi ka nya iiwan na nag-iisa. Maybe you just let her go and move on. Sabi nga nya nasasakal na sya sayo di ba? I think it's one way of saying she want to break up with you."

"Love stop it." Hinawakan ko ang braso nito. Umayos naman ito ng upo.

"O-ok lang Max. Mukhang tama naman kasi si Angel. Siguro tama na rin to, para kasing ilang beses na rin nya akong ginaganito. Ako lang talaga tong hindi bumibitiw at tinatanggap parin sya kahit ilang ulit na nya akong sinasaktan."

Kita ko sa salamin ang sakit sa mga mata nya.

"Tss.. Hindi na uso ang martir ngayon Kathy. Kung sa tingin mo inaabuso kana at hindi sinusuklian ang pagmamahal mo, bakit kapa magtitiis?" Ginagatungan lang talaga ni Angel ang galit ni Kathy.

"Pero Kath baka may problema lang si Arabela kaya nya nagawa to." Wika ko.

"Isa kapa Max. Heto na nga di ba, naisturbo na tayo ngayong gabi kasi iniwan tong kaibigan mong mag-isa tapos sasabihin mong baka may problema lang si Arabela? Saan ka ba kumakampi?" Halatang iritang-irita na si Angel sa nangyayari.

"Love naman, I just want to be fair."

"Sarap mong batukan." Hay heto na naman tayo.

Sungit.

Biglang katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Mas lalo kong binilisan ang pagdadrive para makarating kami agad.

I cleared my throat. "Liliko ba tayo dito Kath?" Tukoy ko sa malapit na kanto. Medyo walang ilaw dito kaya di ko masyadong makita ang daan.

"Oo Max. Itabi mo na lang sa maliit na gate."

Nakapunta na ako dito noon kaya alam ko naman kung saan ang tinutukoy nitong maliit na gate.

"Salamat talaga sa paghatid Max, Angel. Sorry din pala sa ginawa kong abala sa inyo ha." Nahihiyang wika ni Kathy.

Humikab ng malakas si Angel kaya napatingin ako sa kanya. 'Tssk. Nananadya talaga to.'

Labstory II (gxg) - SEQUELDonde viven las historias. Descúbrelo ahora