Chapter 24

9.7K 230 14
                                    

Max's POV


Abala si Angel sa pamimili ng mga damit para kay Luis kaya nagpaalam muna ako.

"Love, bibili muna ako ng sapatos."

"Ok. Isama mo na muna si Luis." Sagot nito habang abala parin sa pagpili.

Agad ko namang kinarga si Luis. "Mabilis lang ako."

Tumango naman ito bilang sagot.

"Miss my small size ba kayo nito?" Tanong ni Angel sa sales lady.

"Yes po maam. Teka lang po, kukunin ko."

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa store ng mga leather shoes.

"Daa, yun, yun?" Habang naglalakad kami panay naman ang turo ni Luis sa isang ice cream shop.

Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang pisnge. "Sige ibibili kita pero wag mong sasabihin kay mommy ha?" Lagot na naman ako kapag nalaman ni Angel na pinakain ko na naman sya ng ice cream.

Napakalapad lang na ngiti ang sinagot sa akin ni Luis.

Lumingon muna ako sa pinag-iwanan ko kay Angel bago ulit naglakad patungo sa ice cream shop. Baka kasi nakasunod ito sa akin, ayoko namang mapingot sa maraming tao. Hayy..

Pagkarating namin sa loob umorder agad ako ng dalawang chocolate ice cream. Pati ako natatakam na ring kumain.

"Like it Luis?" Nakakandong sa hita ko si Luis habang pareho kaming sumusubo ng ice cream na nasa cup.

"Hmmmm.." Bakas ang saya sa mukha nito habang sumusubo. Hinayaan ko muna ang nagkalat na chocolate sa gilid ng kanyang bibig.

Feeling ko bumalik ulit ako sa pagkabata, wala kasi kaming ginawa ni Luis kundi sumubo at magngitian. Parang nagkakaintindihan talaga kaming dalawa pagdating sa pagkain eh.

"Maxwell?" Napahinto ako sa pagsubo at nilingon ang tumawag sa pangalan ko.

"Oh Kathy." Tumayo ako at pinaupo muna si Luis sa bakanteng silya.

"Sino yang kasama mo?" Lumapit ito at tiningnan si Luis.

"Anak ko."

"Di nga?" Diskompyedo nitong tanong.

"Totoo nga."

"Wag mo nga akong binibiro ng ganyan. Teka kasama mo ba ang asawa mo?" Luminga-linga ito sa paligid.

"Oo, pero iniwan ko muna dun." Nguso ko sa malayo.

"Ah ganun ba. Naku baka magsungit na naman yun kapag nakita ako dito."

"Hindi naman yun masungit." Depensa ko kay Angel. "Ikaw sinong kasama mo? Upo ka." Hinila ko muna ang isang silya bago tumabi kay Luis.

"Ahmm.. Si ---." Hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla namang may sumingit na boses.

"Babe, nakabili na ako." Wika nito sa likod ni Kathy.

Arabela?

Kunot noo akong napatingin sa kanya. Nagtama naman ang mga mata namin ni Arabela.

Bakit sila magkasama? Naku.. Akala ko ba nadala na si Kathy sa ginawa sa kanya? Tssk.

"Max." Isang tipid na pagbati. Hinawakan nito ang bewang ni Kathy at pasimpleng hinila palapit sa kanya.

Ngiti lang ang ginanti ko. Sinulyapan ko naman si Kathy na hindi makatingin sa akin ng diretso. Iniisip siguro nya na huhusgahan ko ang pakikipag-balikan nya kay Arabela. Kahit hindi nya sabihin alam kong ok na ulit sila.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now