Chapter 40

9.8K 253 32
                                    

Angel's POV






"Salamat naman at dumating ka na." Naiinip kong wika kay Red. Almost one hour na akong naghihintay dito sa loob ng restaurant. Lumuwas muna ako dito sa manila para makipagkita sa kanya. Hindi ko naman sinabi kay Max ang totoo kong sadya dito, nagpaalam lang ako na bibisitahin ang business ko kaya pinayagan ako. Pero sinama ko naman si mang Ramon at Tonyo dahil hindi sya pumayag na ako lang mag-isa ang aalis.

"Alam mo kung hindi lang kita bestfriend hindi talaga kita sisiputin ngayon."

"Alam mo kung hindi rin kita bestfriend hindi rin kita tatawagan." Tinaasan ko sya ng kilay.

"Akala ko ba magma-matured ka na? Ba't parang walang nagbago sayo."

"Syempre nung isang araw ko lang yun sinabi sayo kaya hindi pa masyadong nagsi-sink in." But of course i'm really trying now. Sinusubukan ko na talagang mag-matured para kay Max at Luis.

"Ewan ko sayo Gel. Syanga pala kumusta si Max? Ok na ba? Buti pinayagan ka."

"Ayun medyo ok na. Kaya lang minsan kumikirot parin yung sugat pero hindi naman daw masakit. Alam mo minsan nag-aalala ako, baka kasi tinatago nya lang sa akin yung nararamdaman nya."

"Hindi naman siguro, makikita mo naman sa kanya kung matamlay sya o hindi."

Sabagay, pero magaling magtago si Max eh.

I sigh. "Anyway lets go. Baka matraffic pa tayo."

Lumabas kami sa resto. Tinungo ko naman ang kotse kung saan nakaparada sila mang Ramon.

"Sa kanya po muna ako sasabay. Pumunta muna kayo sa mall." Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot kay mang Ramon. "Yan, bumili po muna kayo ng mga gusto nyo. Tatawag na lang ako kung saan ako magpapasundo."

Hindi naman nito tinanggap ang pera. "Naku, ah eh señorita kabilinbilinan po ni Maxwell na huwag daw po kayong iiwan ng kayo lang. Baka po tumawag sya bigla sa akin, ayoko naman pong magsinungaling." Malumanay nitong saad.

"Alam naman nya na pupunta ako sa store. Sabihin nyo na lang na pinapasyal ko muna kayo kaya hindi tayo magkasama."

"Eh ihahatid na lang po namin kayo señorita."

"Manong huwag na po. Kasama ko naman ang kaibigan ko kaya wag na kayong mag-alala. Ako na ang bahala sa inyo kapag tumawag si Max." Inabot ko ulit ang pera. "Sige na po. Magagalit ako kapag hindi nyo to tinanggap."

Napakamot na lang ito sa kanyang ulo. "Hindi nyo naman po kelangan na bigyan kami ng pera señorita."

I insist. Kinuha ko ang kamay nya at binigay ang pera. "Please take it. Mamasyal muna kayo."

Wala naman itong nagawa kundi sundin ang sinabi ko.

"Sige aalis na ako. Tatawag na lang ako, ok?"

"S-sige po señorita. Mag-iingat po kayo, tumawag po kayo agad kung may problema."

Ngumiti ako bago tumalikod. Pumasok ako sa kotse ni Red.

"So saan tayo pupunta?" Tanong nito at pinaandar ang kotse.

"Sa Bishop memorial hospital." I get my phone. Tiningnan ko ulit ang pangalan ng ni-recommend ni Lewis na magaling na psychiatrist. Dr. Lawrence Zamora.

"Ha? Anong gagawin mo dun?"

"Basta, samahan mo na lang ako."

"Alam ba to ni Max?"

"Oo naman alam nya." Nagkatinginan kami. "Syempre hindi noh, tatakas ba ako sa mga kasama ko kung alam nya. Kaya nga ikaw ang sinama ko kasi kapag nabuko ako ok lang."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now