Chapter 42

6.7K 221 17
                                    

Max's POV




Lawrence? Lawrence? Lawrence?

Paulit-ulit sa utak ko ang pangalan nya. Pakiramdam ko parang narinig ko na yun kung saan. Di ko lang talaga maalala.

Hayy..

Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.

Si Megan..

"Yes Meg? Napatawag ka?" Sagot ko.

"Sorry, di kasi sinasagot ni Angel ang cellphone nya. Andyan ba sya?"

"Ah oo pero nasa baba kasama si Luis. Bakit?"

"Ganun ba. May importante kasi akong sinend sa email nya. Baka pwedeng pakisabi sa kanya na kelangan ko ng sagot nya asap."

"Oh sige. No problem Meg."

"Thank you Max. And one more thing, pakisabi rin pala sa kanya na kung pwede bumisita sya sa shop. Napagkakamalan na kasi akong may-ari." May tonong biro nito.

"Ha? Di ba kakabisita lang nya kanina dyan?" Nagtataka kong wika. Kaya ko nga sya pinayagan na umalis kanina dahil bibisita daw sya sa shop.

"Are you sure? Anong oras?"

"Basta umalis sya kaninang umaga. Hindi ba kayo nagkita?"

"Hindi eh. Whole day kasi akong wala sa shop. Wala rin namang nabanggit ang secretary ko na bumisita si Angel."

"Ah ganun ba. Sige tatanungin ko sya mamaya."

"Ok. Syanga pala kumusta ka na? Ok ka na ba?"

"Uhmm.. Medyo bumubuti na ang sugat ko. Hindi na rin masyadong masakit." Hinawakan ko ang dibdib ko. "And i feel more better here."

"That's good. Sana magtuloy-tuloy na yan."

"Sana nga Meg. Gusto ko na ring bumalik ang lahat sa normal."

"Don't worry everything will be ok. Ang importante ngayon gumaling ka muna." 'Babe nakita mo ba ang laptop ko'. Rinig kong singit ni Lorenzo sa kabilang linya. "I don't know, baka naiwan mo sa kotse." Pasigaw namang sagot ni Megan.

"Sige Meg sasabihin ko na lang kay Angel na tumawag ka."

"Ok. Sorry sa isturbo Max, ikaw pa tuloy ang napag-utusan ko."

"It's ok. Bye Meg."

"Bye Max."

Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag.

Hmmm... Kung ganun hindi pumunta si Angel sa shop? Nalilito ako, saan sya galing kanina?

Lumabas ako sa kwarto at bumaba.

Dumiretso ako sa kusina.

Naabutan ko naman silang abala sa pagluluto.

"Señorita ako na po ang magluluto nyan."

"It's ok manang. Ako na dito, ang gawin nyo na lang ihanda ang ibang lulutuin."

Hindi yata nya ako napansin. Umatras na lang ako at umalis. Ang mabuti pa kausapin ko na lang si mang Ramon. Sigurado akong alam nya kung saan pumunta si Angel.

"Mang Ramon." Tawag ko dito. Papunta ito sa may garahe.

Huminto ito at ngumiti. "Oh Max, bakit?"

"May itatanong po sana ako."

"Ano yun?"

"Saan po kayo pumunta ni Angel kanina?"

"Ha? Ah eh.. Ano po bang sinabi ni señorita sa inyo?" Para namang umiiwas ito sa mga mata ko.

Labstory II (gxg) - SEQUELOù les histoires vivent. Découvrez maintenant