Chapter 5

15K 292 7
                                    

Max's POV


Kinabukasan pinatawag ulit ni sir Alfred si Angel sa bahay nila.

"Hey Max." Napalingon ako. Papasok na sana ako sa kotse.

"Oh Megan." Sinara ko ulit ang pinto at nilapitan ito. Kakababa lang nito sa kanyang sasakyan.

"Aalis kana?"

"Uhm.. Oo. Hinatid ko lang si Angel."

"Your paranoid wife?" May himig na biro nitong wika.

Ngumiti ako. "Meg give her a time. Alam ko sooner or later papayag rin sya."

"Max it's ok. Pagdating talaga sa kanya lagi akong talo at sya lagi ang panalo."

"Bakit naman napunta sa usapan kung sino ang talo at panalo?" Nakakunot noo kong wika.

"Nevermind. Oh by the way nagkita pala kami ni Mark last day. Sabi nya kung pwede ba daw tayong magkita-kita sa bahay nila Julia."

"Talaga? Buti pa kayo nagkita na." Hindi ko alam na umuwi na pala ito galing sa states.

"Nagkasalubong lang din kami sa mall. Kasama ko si Lorenzo that time."

"Uhm sige, hahanap ako ng time. Alam mo naman ako medyo busy sa pagiging doc." Binuka ko ang braso ko na parang nagyayabang.

"Oo nga pala. Sana naman bilisan mo na yan para libre na ang check up namin."

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Hindi pwede ang libre sa mayayaman."

"Ah ganun? Grabe ka naman."

"Pero kung si baby Chris ok lang. Libre --"

"Bakit hindi kapa umaalis?" Isang mataray na wika ni Angel. Sabay kaming napatingin ni Megan sa kanya. Naka crossed arms itong lumapit sa amin. "Akala ko ba nagmamadali ka?"

"A-ah. Oo. M-may pinag-usapan lang kasi kami love pero aalis na ako."

Kumapit ito sa braso ko. "Anong pinag-usapan nyo?"

"Ahmm. Wala, tungkol lang kagabi."

"Sige Max papasok na'ko." Paalam ni Megan.

"Teka, sabay na tayo. Hahalik lang ako sa asawa ko." Isang madiin na halik sa labi ang ginawa ni Angel. Hindi naman ako maka-iwas dahil baka magalit na naman mamaya.

Umiwas agad ako ng tingin kay Megan ng bitiwan ni Angel ang labi ko.

Hindi na rin hinintay ni Megan si Angel at pumasok na sa loob ng gate.

"Love bakit mo naman ginawa yun?" Hindi naman sa naiinis ako, pero bakit sa harapan pa ni Megan.

"Ops may lipstick." Pinunasan nito ang labi ko gamit ang thumb nya. "Yan pwede ka ng umalis." Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa asawa ko. Grabe talaga to kung minsan. Ai hindi pala minsan. Madalas pala.

"Sige aalis na ako. Behave ka dito ok? Yung pinag-usapan natin kanina wag mong kakalimutan."

"Yes baby. Don't worry good mood ako ngayon." Ngumiti ito.

"Ok. Bye ulit." Hinalikan ko ang noo at labi nito. "I love you."

"I love you too. Mag-ingat ka."

Tumango lang ako at pumasok na sa kotse. Nakita ko namang pumasok na rin ito sa gate. Sana naman maging ok ang pag-uusap nila.

---

"Whats up doc?" Tinapik ni Anton ang balikat ko. Kakarating ko lang sa hospital.

"Ui buti naman nagpakita kana." Isa sa mga kasama ko at naging kaibigan dito.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now