Chapter 38

8.8K 252 20
                                    

Max's POV


Breath..

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag nasa probinsya ka. Walang maingay at malayo sa usok ng syudad.

"Are you ready?" Malambing na wika ni Angel habang nakayakap sa likod ko. Kahapon lang kami dumating dito sa kanilang hacienda. Mas makakabuti kung dito ako magpapagaling.

"Yes love. Kanina pa nga eh."

"Kung ganun tara na." Hinila nito ang kamay ko palabas ng kwarto.

"Mommy lets go. I'm so excited." Patatalon-talon na wika ni Luis sa may hagdan. We will having a picnic today.

"Hey careful buddy. Baka mahulog ka." Hinawakan ko ang kamay nito. Nakakapit naman si Angel sa isa kong braso.

Nag-aabang naman sa labas ng bahay ang mga katiwala ng pamilya Lopez.

"Manong ako na lang ang magdadrive. Mamayang hapon pa kasi kami babalik." Wika ko kay Mang Ramon.

"Manang Loring ok na po ba lahat ng pinahanda ko?"

"Opo señorita. Andyan na po lahat sa likod ng sasakyan."

"Ok. Thank you. Teka Max, ako na lang ang magdadrive. Bawal sayo ang mabinat kaya ako na muna ang bahala."

"Señorita Angelica pwede naman po ako na lang ang magmaneho. Wala naman akong gagawin maghapon."

"Wag na po manong. Paminsan-minsan lang kami dito kaya susulitin na namin na kami lang muna."

"Oh sige po kayo po ang bahala. Basta kapag may kelangan kayo pwede nyo po akong ---."

"Manong ok lang po. Kabisado ko pa naman ang lugar kaya wag na kayong mag-alala."

Natatawa ko itong inakbayan. "Oh sya-sya aalis na kami. Si mang Ramon talaga, hindi na kami mga bata kaya wag na kayong mag-alala sa amin."

"Lets go mom." Nauna naman si Luis sa loob ng sasakyan.

Hindi na rin kami nagtagal, gaya ng gusto ni Angel sya na muna ang pinagmaneho ko.

Wala paring pinag-bago ang hacienda. Sagana parin ito sa prutas at niyog.

"Naalala mo pa ba nung una tayong magkita love?"

"Of course. Hindi ko yun makakalimutan."

Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari noon. "Paano mo naman yun makakalimutan eh dun mo nakilala yung dalawa mong admirer."

Bigla nitong hinampas ang braso ko. "Nakakainis ka. Ang papangit kaya ng mga unggoy na yun."

"Talaga? Feeling ko hindi naman. Ang gwapo kaya nila."

"Gwapo? Kinilabutan tuloy ako sa sinabi mo." Saglit itong umirap. "Pero ok lang, kung hindi naman dahil sa dalawang unggoy na yun hindi kita makikilala."

"Wala kasi akong choice nun. Panay kasi ang iyak mo kaya napilitan tuloy akong iligtas ka."

"Wow? Salamat ha. Napilitan ka pa talaga sa lagay na yun? May pa i hope to see you again ka pa ngang mga banat sa akin. Ang bata-bata pa natin nilalandi mo na ako."

Di ko napigilang matawa sa sinabi nya. "Grabe naalala mo pa yung sinabi ko? Alam mo naniniwala na talaga akong baliw ka na sa akin dati pa."

"Nakakainis to. Mas baliw ka yata." Kinurot nito ng madiin ang braso ko. Shit ang hapdi.

Nahimas ko ang braso ko. "Masakit ah."

"Ikaw kasi nang-iinis na naman." Lumabi ito.

"I'm just kidding. Bigla kasing bumalik ang mga memories natin dito. Para bang kahapon lang lahat nangyari."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now