Chapter 30

9.7K 241 21
                                    

Max's POV


"Are you excited to see your lola and lolo Luis?" Wika ni Angel. Kakarating lang namin sa airport. Isang linggo muna kaming mamamalagi dito para sa kasal ni Alfonzo at Rebecca.

Mahigit isang taon na rin mula ng umalis kami kaya hindi ko makakailang nasasabik rin akong makita ulit ang pilipinas. Marami akong namiss dito. My family, my friends and also the hot weather.

"Yeah, but I miss my friends mom." Malungkot nitong wika. Karga-karga ko naman ito, alam kong napagod ito sa byahe.

"Don't worry baby we'll just stay here for one week."

"Angel!"

Sabay kaming napatingin sa tumawag. Si Rafael kasama si Jessy.

Agad kaming lumapit sa kanila.

"Hi Gel, i miss you." Masayang wika ni Jessy.

"Hindi kita namiss." Pabiro nitong tinaasan ng kilay ang bestfriend.

"Ang bad mo talaga. Max hiwalayan mo na nga to."

"Joke lang namiss kaya kita." Tumawa ito at mahigpit na niyakap si Jessy.

"Kumusta Max?" Nakangiting wika ni Raffy.

"Heto gaya parin ng dati." Binaba ko naman si Luis.

"Ito na ba si Luis? Wow ang laki na."

"Oo nga ang bigat na nga rin eh." Natatawa kong saad. Kita ko namang naiilang pa ito na lumapit kay Raffy.

Tiningnan naman ito ni Jessy. "He's so cute. Alam mo mapagkakamalan talagang anak nyo. Gwapong-gwapo mana kay Max."

"Jess!" Pinandilatan ito ni Angel.

"What?" Inosenti nitong wika. "Hindi pa naman nya maiintindihan."

"Kahit na. Ayokong makakarinig sya ng ganun. Tsaka inaasikaso na ng abogado namin ang adoption papers kaya magiging legal na ang lahat."

"Fine, I'm sorry."

"Alam nyo tara na bago pa kayo mag-away." Napailing-iling na lang si Rafael. "Naghihintay na silang lahat sa bahay."

Tinulak naman ni Angel ang kaibigan. "Talaga yang bibig mo hindi parin nagbabago."

"Aray ah. Ikaw nga mapanakit parin hanggang ngayon eh." Humawak ito sa braso ni Raffy. "Hon oh. Hindi pa nga sya nagtatagal dito sinasaktan na'ko."

"Magkaibigan nga kayo, pareho kayong may toktok."

Lumabi naman si Jessy. "Sya lang kaya."

"Da, I'm tired." Tinaas ni Luis ang dalawang kamay na parang magpapakarga ulit.

Tumalikod si Rafael. "Tara na."

Kinarga ko si Luis at hinawakan rin ang isang maleta.

"Hoy tulungan mo kaya ako dito." Tawag ni Angel kay Jessy. Binigay nito ang isang maleta. "May pakapit-kapit kapa kay kuya akala mo naman maganda."

"Bwesit ka. Magpapatulong ka na nga mangungutya ka pa. Ba't iniisa-isa nyo to. May cart naman ng mga maleta ah."

"Marunong ka pa sa akin noh?"

Nauna na akong naglakad sa kanila. Hayy.. Makakarinig lang si Luis ng masasamang salita kapag kasama nito ang mga kaibigan.

Dumiretso agad kami sa bahay ng mga magulang ni Angel. Dito muna kami titira sa kanila. Ayaw naman nyang umuwi sa dati naming bahay, matagal na kasing walang nakatira at baka ma-allergy lang daw si Luis sa mga alikabok.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now