Chapter 22

9.2K 236 9
                                    

Max's POV

"Thanks for the ride Max." Abby's smile. Nakarating na rin kami sa condo nya. Pinarada ko muna ang kotse sa gilid ng building.

"No problem."

"Uhmmm.. Max, sana wag mo na lang sabihin kay Angel yung mga sinabi ko sayo. Ayoko lang kasi na lalo syang magalit sa akin."

"Yeah, don't worry. Sabi ko naman sayo kaya kong magtago ng sekreto." Sa tingin ko naman hindi na kelangan ni Angel na malaman pa ang tungkol sa pamilya nya. Nirirespeto ko kung ano man ang sekreto nya.

"Thank you. Anyway aalis na rin naman ako sa company ni Angel."

"Ha? Bakit naman? Alam nya na ba to?"

Umiwas ito ng tingin. "Y-yeah. It's actually my decision."

"Sayang naman. Ano namang sinabi ni Angel? Pumayag ba sya?" Kahit naman galit si Angel sa kanya sigurado naman ako na iniisip parin nito ang business. Malaki ring kawalan kung aalis si Abby, kahit paano may pinagsamahan rin sila.

"Well, she didn't say anything. Siguro nga masaya pa sya na aalis na ako. Alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit naging ganito sya sa akin. Sobrang laki ng pag-sisisi ko Max."

"I'll try to talk to her. Baka pwede nyo pang maayos to. I'm sure she will understand if you just let her know what's the real reason Abby."

"Sa tingin mo ba maniniwala sya sa akin? Siguro mas mabuti na ring ganito. Aalis na lang ako para wala ng gulo."

Hindi ako sumagot. Wala naman akong karapatan para pigilan ito sa kanyang decision.

Napatingin ako sa kanya ng hawakan nito ang kamay ko. "Max. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

I genuinely smile. "Sure."

"Talaga? Wala ng bawian?" Masaya nitong wika.

"Bakit ko naman babawiin?"

"Wala, baka kasi bigla mong maalala yung mga masasamang sinabi ko sayo noon. I really feel sorry about it, nakakahiya lang yung mga sinabi at ginawa ko."

"Lets just forget that. Tsaka ako naman yung tao na hindi marunong magtanim ng sama ng loob eh. Wala sa akin yun Abby."

"Hayy.. Sana ganyan rin ako noh? Siguro kung kagaya kita baka masaya ang buhay ko ngayon. Siguro hindi ako ganito ka miserable."

"Kaya mo naman yung gawin eh. Dapat mo lang naman pag-aralan na tanggapin yung mga taong nagmamahal sayo. Gaya ng mommy mo at ni Amanda."

She chuckle. "Hindi ko alam. Hindi ko na yata alam kung paano magpatawad. Feeling ko nga sa dami ng kasalanan ko parusa na to sa akin."

"Hindi pa naman huli ang lahat di ba? Simulan mo ngayon, malay mo ito na yung paraan para maayos ang pamilya mo."

"Max hindi na maaayos ang pamilya namin. Siguro ako na lang talaga ang umaasa na mangyayari yun. We will never be a family again."

"Pero pwede mo namang maging pamilya si Amanda at Arabela hindi ba? Buksan mo ang puso mo sa kanila."

"Madaling sabihin pero ang hirap-hirap gawin. Hindi ko kasi maiwasang magselos sa kanila, inagaw nila ang mommy ko sa amin kaya hindi yun ganun kadali."

I just sighed. Yeah, siguro hindi talaga madali para sa kanya to. "Pero sana subukan mo parin."

"Hindi pa'ko handa Max." Malungkot nitong saad.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nito. "Andito lang ako kung kelangan mo ng makaka-usap."

She smile. "Thank you."

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon