Chapter 39

9K 237 19
                                    

Angel's POV


"Masaya ako at bumubuti na ang lagay mo."

"Sa awa po ng diyos tito."

Napahinto ako sa harap ng pinto. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hahayaan na lang muna silang mag-usap. Kakarating lang ni dad galing sa manila at si Max kaagad ang una nitong pinuntahan.

Aalis na sana ako ng magsalita ulit si dad.

"Masyadong naapektuhan si Angelica sa nangyari sayo. She had several attacks, akala ko magiging delikado rin ang lagay nya." Bumuntong hininga ito. "Akala ko talaga magkakaroon sya ng nervous breakdown. Mabuti na lang at hindi nangyari ang kinakatakutan namin."

Nervous breakdown?

Ako?

"Isa rin po yan sa iniisip ko nung mga nakaraang araw."

"Don't think about it. Tapos na ang lahat at wala namang masamang nangyari. Siguro mas makakabuti talaga kung dito ka magpapagaling, it's the best for the both of you. At tsaka wag mo ng alalahanin ang mga naiwan nyong problema sa manila. Ako na ang bahala sa lahat."

"Sorry po sa naging abala tito. Hindi ko po talaga akalain na mangyayari to sa akin."

"Maxwell, wala kang kasalanan. Kung may dapat mang sisihin dito walang iba kundi ang pamilya ng mga Montemayor, kung hindi nila kinunsinti ang pagtakas ng anak nila di sana wala tayong problema ngayon."

Hindi ko narinig na sumagot si Max.

"Anyway lets just leave that case to my lawyer, sisiguraduhin ko namang mabubulok na sya sa kulungan habang buhay."

"Marami pong salamat tito. Sana nga mapagbayaran na nya ang mga ginawa nya."

"Wag kang mag-alala, lahat ng impluwensya ko gagamitin ko makaganti lang tayo. Basta isa lang ang paki-usap ko sayo ngayon. Magpagaling ka at patuloy mo paring alagaan si Angelica para sa amin. Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan ko pagdating sa kanya."

"Wala po kayong dapat ikabahala tito. Hindi ko po nakakalimutan ang pangako ko."

Ha? Anong pangako?

"Thank you Maxwell. Oh sya bibisitahin ko muna ang mga tao ko. Babalik na lang ako mamayang tanghali."

"Gusto nyo po bang samahan ko kayo?"

Napaatras ako sa pinto. Mukhang lalabas na sila.

"Don't bother, ok lang ako. Andyan naman si Ramon para samahan ako."

Tumalikod ako at tinungo ulit ang kwarto namin ni Max. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa table at umupo sa kama.

"Nervous breakdown?" Hindi ko maiwasang maging curious sa narinig. Naisip kong e'google ito dahil limitado lang naman ang alam ko sa salitang yun.

'A nervous or mental breakdown is a term used to describe a period of intense mental distress. During this period, you’re unable to function in your everyday life. This term was once used to refer to a wide variety of mental illnesses, including depression, anxiety and acute stress disorder.'

What?

"Love." Naibaba ko agad ang cellphone ko ng biglang pumasok si Max sa kwarto.

"B-bakit?"

"Umalis muna ang dad mo, babalik na lang daw sya mamayang tanghali."

"Ah...ok." Ngumiti ako at binalik ulit ang cellphone sa table.

"Si Luis?"

"Andun sa baba, kumakain kasama si manang."

Umupo ito sa kama at hinila ako pakandong sa kanyang hita. Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa akin.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now