Epilogue

6.9K 232 33
                                    

Maxwell's POV






"Da, look, look." Hinawakan ni Luis ang mukha ko at pilit na pinapakita ang mga laruan sa tv. "I want that."

"Max tingnan mo to." Wika naman ni Angel habang nakaunan sa braso ko at hawak ang cellphone nya. "Anong maganda ito o ito?" Pili nya sa mga gamit sa online shop.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa dalawa.

"Da, look." Tumalon-talon si Luis sa kama. "Buy that one, please!"

"Ok, ok." Sagot ko na lang para tumigil. Nakinig naman ito at masayang bumaba sa kama. Bumaling naman ako kay Angel. "Bahala ka na love kung ano ang gusto mo dyan."

Pinikit ko ang mga mata ko. Weekend ngayon kaya andito lang ako sa bahay. Hindi ko rin binuksan ang cellphone at laptop ko para walang disturbo.

Sumiksik si Angel ng yakap at dinantay ang hita sa hita ko. "Inaantok ka?"

"Hindi naman love." I kiss her forehead and hug her tight.

"I love you baby."

Napangiti ako sa malambing nyang boses. "I love you more love."

"Max, kapag nagkaanak tayo anong gusto mong pangalan?"

"Uhmmm, siguro kapag babae Maxine. Tapos kapag lalake naman Angelo. Tingin mo?"

"Ok lang. Pero wala bang mas unique?"

Tiningnan ko sya. "Bakit, maganda naman ah. Parang tunog sa pangalan natin."

"Uhm, sabagay." She trace her finger to my nose. "Saan ka kaya pinaglihi ni tita, ang ganda ng mukha mo tapos ang bait mo pa."

Hindi ako sumagot at ngumiti lang.

"Paano kaya kung hindi tayo nagkita sa hacienda, sino kaya ang kasama mo ngayon." She hold my face. "Iniisip ko pa lang na ibang babae ang kasama mo nagseselos na ako."

Natawa ako. "Ikaw talaga kung ano-ano na naman yang pumapasok sa utak mo."

"Kahit minsan ba hindi mo naisip yun?"

"Hindi. Bakit ko naman iisipin ang mga walang kwentang bagay." I playfully pinch her cheek. "Tsaka tigilan mo na yang pagseselos mo sa ibang babae. Ikaw ang pinakasalan ko at ikaw ang mahal ko. Yan na lang ang isipin mo palagi."

"Ayoko lang maging kampante. Mahirap na baka malingat lang ako sandali inaahas ka na pala."

"Hay naku." Niyakap ko sya ng mahigpit. "Alam mo naman na walang makakahigit sayo. Kaya kahit sino pa yan hindi ko yan papatulan. Ikaw lang ang babae na mamahalin ko." Ilang ulit ko na tong sinabi sa kanya at hindi ako magsasawang ulit-ulitin.

"Dapat lang." She possessively hold my chin. "Nanggigigil tuloy ako sayo."

"Bakit naman?" Hinawakan ko ang bewang nya at hinimas-himas. "Kasalanan ko ba na cute ako? Kasalanan ko ba na habulin ako?" Biro lang.

"Oo kasalanan mo." Lumabi ito. "Nakakainis kaya minsan."

"Sorry na. Gwapo lang po." Natutuwa talaga ako kapag ganito ang mukha ni Angel, ang cute.

Umirap ito. "Di ikaw na ang gwapo."

Lalo naman akong natawa. Hinalikan ko ang pisnge nya ng paulit-ulit. "My love, my baby, my Angel. I love you."

Gigil nyang kinurot ng mahina ang tagiliran ko.

"Ouch, masakit ah." Reklamo ko pero nakangiti. "Kiss me." I pout my lips.

She just stick her tongue out and turn around.

"Ah ganun." Niyakap ko ang likod nya at pinasok ang isang kamay ko sa loob ng kanyang sando. "Ayaw mo akong ekiss?" I tickle her tummy and hug her tight.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now