Chapter 37

8.1K 230 27
                                    

Angel's POV





"We need to replace her heart. We don't need much time to think about this. Kelangang magdesisyon na kayo ngayon or else she will not make it." Seryosong wika ng doctor. Andito kami sa labas ng operating room.

"Wala na ba kayong ibang magagawa?" Umiiyak kong wika.

"Ginagawa na po namin ang lahat. Lumalaban ang pasyente pero hindi sapat kung dedepende lang tayo sa machine. Masyadong malalim ang sugat para magtagal ang puso nya."

Napahagulgol ako ng iyak. "Dad."

"Just do whatever you can. Iligtas nyo si Maxwell."

"Kelangan pong pumirma kayo sa consent papers para magawa namin to." Inabot ng isang nurse ang papel.

"Angel please sign it."

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang ballpen. Oh god. Mabilis kong pinirmahan ang mga papel.

"The heart donor just died last night due to coma. His family donate his heart to the hospital. Wag kayong mag-alala gagawin namin ang lahat para maging successful ang operation." Bumalik ulit sila sa loob.

Feeling ko mahihimatay na naman ako.

"Umupo ka muna." Inalalayan ako ni kuya Miguel.

"Kumusta? Ang anak ko kumusta?" Humahangos na wika ng ina ni Maxwell, kasama nito ang ama at kapatid nya.

"Tita." Mahigpit kong hinawakan ang kamay nito. "Nasa loob parin sya. Hindi namin alam kung anong nangyayari."

"Diyos ko po. Iligtas nyo po ang anak ko." Umupo na rin ito sa tabi ko.

Mahigit walong oras ang hinintay namin bago lumabas ang mga doctor.

"Doc. Anong nangyari? Ligtas na ba ang asawa ko?" Di mapakali kong tanong.

"Yeah, she's ok now. Pero kelangan lang nating maghintay kung kelan sya magigising. Don't worry it will not take too long. She just need to recover, she have a new heart. It's like a new system of her body that's why she need time to rest."

"Thank god." Para akong nakahinga ng maluwag sa narinig.

"We will just talk tomorrow. Meron pa akong kelangan sabihin tungkol sa kalagayan nya. Sa ngayon pwede nyo na syang makita kapag nalipat na sya sa kwarto."

"Thank you doc." Nakangiting wika ni dad.

Yumakap naman ako sa mama ni Max, lahat kami sobrang saya sa naging resulta. Feeling ko nabunutan ako ng malaking tinik.

Kinabukasan agad kong pinuntahan ang surgeon ni Max para kausapin.

"No stress. Yan ang pinaka-mahalagang kelangan nating tandaan. Kapag nagising sya wag tayong masyadong magpakita ng excitement o magpakita ng masyadong pag-aalala. Lets just act normal. Para bang walang nangyari sa kanya para hindi sya masyadong mag-isip."

"Doc, how about her heart. Paano kapag nagtanong sya kung paano sya nakaligtas?"

"Depende yun sa inyo kung sasabihin nyo sa kanya ang totoo o hindi. Pero para sa akin mas makakabuti kung malalaman nya ang totoo, it's her body so she needs to know what happen."

Napaisip ako. "Hindi ba makakasama sa kanya kapag nalaman nya ang totoo?"

"Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya Mrs. San Jose. Maybe you just have to take it slow. Hindi mo naman kelangang sabihin sa kanya agad-agad ang nangyari." Inabot nito ang isang papel. "Anyway you don't have to worry. She have a healthy heart. Ito ang profile ng heart donor nya, just incase you want to know."

Binasa ko ang nakasulat. Meron rin itong maliit na picture sa itaas.

Travis Palacios. 26.
Death: Brain injury

"He had a car accident 2 years ago. Mula ng dinala sya dito hindi na sya nagising. Hanggang nung isang araw he just stop responding. Maswerte kayo at nakakuha agad ng heart donor. Masyadong delikado ang sitwasyon ni Maxwell kagabi, kung pinatagal pa natin yun ng isa pang araw malabo na syang makasurvive."

Napalunok ako. Binalik ko ang papel sa kanya. 'Kung pinatagal pa natin yun ng isa pang araw malabo na syang makasurvive.'

Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig.

"Honestly it's a miracle. Naramdaman namin na gusto nya talagang mabuhay kaya hindi rin kami sumuko. It's like 70 over 30 chances of surviving." Ngumiti ito. "Kaya dapat alagaan mo sya dahil pangalawang buhay nya na to. Hindi lahat nabibigyan ng ganitong chance."

Hindi ko alam ang sasabihin. I know, i have to be more matured now. Hindi ko na kelangang maging childish at insensitive. Dapat ko ng pairalin ang pagiging mabuting asawa at ina sa kanilang dalawa. Ayokong mawala ang isa man sa kanila.


***




Habang nagbibihis si Max pinagmamasdan ko naman ang sugat sa kanyang dibdib. Bakas na bakas pa ang tama ng bala at tahi rito.

"Palagyan ko kaya ng tattoo to love?" Turo nito sa sugat.

"Puro ka kalokohan." Lumapit ako at hinaplos ito. "Hindi na ba masakit?"

"Kunti na lang, hindi gaya nung nasa hospital pa'ko." Sinuot nito ang polo. "Si Luis hindi ba natin isasama?"

"Wag na. Andito naman sila Megan kaya hindi sya maghahanap sa atin."

May check-up ulit ito kaya kelangan na naman naming bumalik sa hospital.

Pagkarating namin sa clinic ng kanyang surgeon agad kaming dumiretso sa secretary nito para e-confirm ang appointment namin.

"Maam may kausap pa po sya sa loob. Pero sasabihin ko po na andito na kayo."

"Ok salamat."

Tumalikod ito at pumasok sa clinic. Ilang segundo lang at bumalik ulit ito. "Maam pwede na raw po kayong pumasok."

"Ah ok, thanks." Humawak ako sa braso ni Max.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

May kausap nga itong isang babae. Maganda at halatang galing sa mayayamang pamilya.

"Oh, mabuti at andito na kayo." Tumayo ito. "Umupo muna kayo."

"Doc baka nakakaisturbo kami." Nahihiyang wika ni Max.

"No, actually may ipapakilala ako sa inyo." Tumingin ito sa babae. "This is Candice, girlfriend sya ni Travis Palacios. Gusto kasi nyang makilala ang taong pinagbigyan ng puso ni Travis kaya pinapunta ko na sya dito. Anyway wala namang masama kung ipapakilala ko kayo sa isat-isa."

Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Max. Oh no, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol dito.

"What do you mean? Anong puso?" Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa amin.

Nagkatinginan kami ni doc Mendez.

"Hi. I'm Candice by the way." Malapad ang ngiti nitong nag-abot ng kamay kay Max. Agad nya naman itong tinanggap. "I'm sorry, mukhang wrong timing yata ang punta ko."

"Candice i'm sorry."

"No, it's fine doc. Ang mahalaga nakita ko na sya. Masaya ako, alam kong mabuting tao ang napili mong pagbigyan ng puso ng pinakamamahal ko. Hindi na ako magtatagal at baka may importante pa kayong gagawin." Tinungo nito ang pinto. "Bye." Wika nito bago tuluyang lumabas.

"What's that Angel? Sino sya?" Nagtataka itong tumingin sa akin.

"I-i don't know." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko rin sya kilala.

Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa ng kung ano-ano.

Pangako sasabihin ko na talaga ang lahat sa kanya. Ayoko namang itago to habang buhay.


••••

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now