Chapter 32

9.7K 273 50
                                    

Max's POV

**

Ito na ang pangalawang araw na balik ko dito sa dati naming bahay.

Magbabakasali ulit na makikita na ang sinasabing babae ni Allan. Inaamin kong kinabahan ako ng sabihin ni Allan na baka nga iyon ang ina ni Luis. Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga posibleng mangyari kapag nakita ko sya.

Paano kung plano nya itong bawiin sa amin? Di ko yata kayang isipin iyon. Lalo na ang mararamdaman ni Angelica oras na mawala sa amin si Luis. Kapag nangyari yun wala kaming laban dahil sya ang legal na magulang at hindi kami.

Batang-bata pa si Luis para gumawa ng sarili nyang desisyon.

Hayy..

Almost 4 hours na akong naghihintay dito sa loob ng kotse pero wala parin akong nakikitang dumadaan o humihinto na babae. Sadya ko namang hindi pinarada ang kotse ko sa tapat ng gate para hindi ako mahalata.

Naghintay ako ng dalawa pang oras, pero wala parin. Tiningnan ko ang relo ko, 3 pm na. Dapat na siguro akong umuwi, ang alam pa naman ni Angel bumisita ako kina mama ngayon.

I'm about to start the engine ng bigla kong nakita ang isang babae na papalapit sa gate. Nakasuot ito ng simpleng blouse at palda. Palinga-linga ito sa paligid.

Agad akong lumabas sa kotse at patakbong tinungo ang babae para makita ko ng malapitan.

"Miss." Tawag ko.

Kunot noo itong lumingon sa akin.

Inisip ko ulit ang mga sinabi ni Allan tungkol sa nakita nyang babae. Pasimple ko naman itong sinipat. Matangkad, medyo maitim, may nunal sa kaliwang pisnge at palaging naka-tsinelas.

Yeah, she's exactly the woman i've been waiting for. Thank god.

"Miss may kelangan ka ba sa dating nakatira dyan?" I ask nicely.

Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha ng makita ako pero agad rin itong nagbaba ng tingin na parang nahihiya. "D-di ba kayo po ang nakatira dito?"

Kilala nya ako?

"Oo bahay namin to dati." Ngumiti ako para gumaan ang pakiramdam nito sa akin. "May sadya ka ba sa akin?" Diretsa kong tanong.

Hindi ito sumagot na parang pinag-iisipan pa ang sasabihin.

"Wag kang mag-alala tinatanong ko lang naman kasi yung kapitbahay namin sa tapat parati ka raw kasing nakikita na nagpupunta dito noon. Hindi naman nya alam kung bakit."

"Ang totoo matagal ko na talaga kayong gustong maka-usap." Mahina nitong wika. "Hindi ko naman po alam kung saan kayo lumipat kaya araw-araw po akong bumabalik dito."

"Talaga? Bakit? May importante ka bang kelangan sa akin?" Kabado kong tanong.

"Opo sana." Rinig ko ang paghikbi nito. "Malaki po ang kelangan ko sa inyo." Tuluyan na nga itong umiyak.

Bigla akong naalarma. "W-wag kang umiyak, sige pag-usapan natin to."

Dinala ko sya sa loob ng kotse ko. Umiiyak parin ito.

"Sabihin mo kung anong kelangan mo, makikinig ako." Alam kong hindi ko ito dapat gawin pero hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na baka nga sya ang ina ni Luis.

Pinunasan nitong ang luha. "A-ako po ang ina ng batang nakita nyo sa super market." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Walang paligoy-ligoy nitong kinumpirma ang mga haka-haka ko sa utak. "Wala na po kasi akong ibang maisip kundi ang ipamigay si Danny sa ibang pamilya. Alam kong napakalaking kasalanan ng ginawa ko pero iyon lang ang naisip kong paraan para kahit papaano makaranas sya ng maginhawang buhay." Patuloy na tumutulo ang luha nito habang kinukwento ang nangyari. So his real name is Danny.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now