Chapter 44

9.9K 308 73
                                    

Max's POV





"I didn't expect to see you here." Biglang wika ng babaeng tumabi sa akin.

Napatingin ako sa kanya. 'Candice.' Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya ngumiti na lang ako.

Andito ako sa labas ng clinic habang nasa loob naman si Angel kasama ang doctor. Yeah natatandaan ko na si Lawrence, naging kaklase nga namin sya dati ni Lewis. What a small world.

"Uhm.. Do i make you uncomfortable?" She ask nicely.

"Ha? No." Umiling-iling ako. Ang totoo nahihiya ako sa kanya. "Sorry hindi ko kasi alam kung anong sasabihin."

Ilang segundo ang lumipas bago ulit ito nagsalita. "Uhmm. Can i ask you something Maxwell?"

"Sure. Ano yun?"

"How's your heart?" May himig lungkot nitong tanong.

Bigla akong napahawak sa kaliwa kong dibdib. Puso ng dati nyang kasintahan ang nasa akin kaya alam kong mahalaga ito sa kanya. "It's fine. He has a healthy heart." Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Thank you for trusting his heart to me. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya at sa pamilya nya."

I didn't get the chance to thank his family. Pero sisiguraduhin ko na kapag gumaling na ako ng tuluyan bibisitahin ko ang puntod ni Travis at papasalamatan ko ng personal ang kanyang pamilya.

She sigh. "Alam mo ba masayang-masaya ako ngayon." Kahit nakangiti ito nababakas ko parin sa kanyang mga mata ang lungkot. "Masaya ako na makita ka. Masaya ako na kahit wala na si Travis may isang bagay parin syang iniwan sa amin. Ang totoo ilang beses kong pinag-isipan na kunin ang number mo kay doctor Mendez para sana makipagkita sayo. Gusto ko kasing malaman kung kumusta na ang kalagayan ng puso nya, gusto ko ring malaman kung ano na ang nangyari sayo."

"You don't have to worry Candice. You can trust me, iingatan ko ang puso nya pangako." I mean it. I consider this as my second life.

"I know. Alam ko namang mabuti kang tao." Hinawakan nya ang kamay ko. "Thank you so much Maxwell."

"Candice --."

"You remind me of him. He also have a warm hand."

Bigla akong nakadama ng pagkailang.

"M-mukhang mahal na mahal mo talaga si Travis." Pag-iiba ko sa usapan. Dahan-dahan ko namang binawi ang kamay ko.

"Max." Agad akong napatayo ng marinig ang boses ni Angel. Di ko namalayan ang paglabas nila ni Lawrence..

"A-angel." Nilapitan ko ito. "Tapos na ba?"

"Yeah. Tumawag si manang, panay daw ang iyak ni Luis." Kumapit ito sa braso ko. "Umuwi na tayo."

"Sige."

Pagkatapos naming magpaalam umalis na rin kami kaagad.


***



"Anong pinag-usapan nyo ni Lawrence?" Niyakap ko ang likod nito. Gabing-gabi na pero hindi parin kami makatulog.

"As usual. Marami syang tanong tungkol sa mga ginagawa ko."

"Pakiramdam mo naman ba may nagbago sayo?"

"Wala." Humarap ito at sumiksik ng yakap. "Ayoko ring magbago."

"Bakit?"

"Basta."

"Bakit nga?"

"Wala lang. Na-realize ko kasi na mas mabuti na yung ganito ako. Tsaka mahal mo naman ako kahit ano pang ugali meron ako di ba?"

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now