Chapter 2- Edited

5.6K 150 0
                                    

Reese

Naglalakad ako ngayon papasok ng office building. Kakadaan ko lang sa lobby at marami na akong nakita applicants na nakaupo at naghihintay para sa interview.

My husband is looking for a personal assistant and an executive assistant, and I volunteered to help. That means, I'll do the initial and final interview. Siya na ang bahala sa examination.

Pumayag na din siya sa kagustuhan ko at ipinangako ko naman na hindi ako magiging mabait sa mga nag-a-apply at sumusubok na makapasok. Siya na din mismo ang nagsabing may tiwala siya sa akin.

"Mrs. Boss, doon po tayo sa HR department." Salubong sa akin ng isang staff na doon din ang departamento.

"Okay. Am I late?" Pumasok kami ng elevator at tumaas papuntang floor kung nasaan ang HR, "Ang asawa ko?"

"Boss is having a meeting at this moment with the Board. No, Mrs. Boss. Just in time. We informed all the applicants to arrive early. Baka kasi magalit si Boss, alam niyo naman 'yon."

Paglabas ko ng elevator ay napapayuko ang lahat ng employees na nadadaanan ko. Marami na din ang nakapila na aplikante dito at mukhang maaga nga talaga sila. Umabot na sa baba ang linya nila eh.

"All of you, kapag lumabas ang isa pasok kaagad ang isa. Got it?" Tumigil ako sa harapan ng mga nakaupong aplikante na nasa unahan.

Tumango naman sila at pumasok na ako sa silid upang makapagsimula kaagad ng interview.

*Wife, sweetheart. Answer please!

Sinagot ko ang tawag, it's his ringing tone- recorded by himself. Ganun din ako sa phone niya.

"Yes, Ashton?"

"Nasaan ka?"

"Kakapasok ko lang at magsisimula na ako. Bakit?"

"Nothing, I just missed you."

Napangiti ako sa sagot niya. Sweet. Araw araw naman kaming magkasama at nag-uusap pero madalas ganito siya.

"Hmm. Puntahan mo na lang ako pagkatapos ng meeting mo. Ibababa ko na 'to."

"Okay, I love you."

"Mahal din kita." Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pencil cut na palda at nilingon ang Head ng HR.

"Ehem. Mrs. Boss, umpisa na po ba tayo?" Nakangiti niyang tanong.

Tumango lang ako. If I can still remember, her name is Kristen.

Huminga ako ng malalim at nagpraktis ng ngiti ko sa maliit na salamin.

Umupo ang unang aplikante sa harap ng office table at binuklat ko ang unang folder sa mesa.

"Good day, Miss Santos."

"Good morning, Madam." She's shaking.

Nakakatakot na ba ako? Hmm.

Binasa ko ang buong laman ng resumè niya. Ibinaba ko kaagad ng makontento na ako sa aking nabasa. Mas lalo siyang namutla ng suriin ko ang kabuuan niya.

"Can you make a short story about yourself, Miss Santos? Or to be simple, tell me something about you."

"A-ahm."

Itinaas ko ang kamay ko sa ere upang patigilin siya.

"When you're​ in an interview, please try to be efficient and alert as possible. Start again."

"I'm Rika Santos, from Que-" natigil uli siya sa pagsasalita ng itinaas ko ang aking palad sa ere sa ikalawang pagkakataon.

"Tell me something that isn't stated in your resumè, please?"

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now