Chapter 27- Edited

2.6K 93 5
                                    

Vhon

I'm almost lost in the middle of nowhere in my mind, thinking too much about something. Tatlong katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, inayos ko ang necktie ko at bumaba ng kotse.

Bumungad sa akin ang ilang reapers na nakakalat sa buong lugar. Nasa masukal kaming daan na hindi na masyadong pinapansin ng mga byahero, madilim dito at walang ibang nandito kundi ako kasama ang mga tauhan ko at ang kabilang organisasyon.

Sumalubong sa akin si Axel na seryoso ang mukha.

"How was it?" Tumango siya upang kompirmahin ang ibig kong sabihin.

Naglakad ako sa gitna ng kalsada at sinalubong naman ako ng lider sa kabilang panig.

"The deal is a deal, Mr. Black." Tinanggap ko ang inilahad niyang kamay saka kami naglakad papunta sa van nila.

Bukas ang likod ng sasakyan at nakalagay doon ang malaking briefcase na may laman na armas. Sample lang naman ito ng sniper rifles at pistols na bibilhin namin sa kanila.

Aphrodite is on her move and I can't just stay calm. We need more guns for defense and well-trained subordinates to defend my family as well. I can't​ let her get near my family, especially to my wife. I am preparing everyone as early as possible. We can't exactly predict when she will attack us, we need to be alert at any time.

I've asked everyone to locate Reese and her family also. I want her to be with me kapag kumilos na ang kalaban.

Hinawakan ko ang sniper rifle, this is my wife's favorite toy but she never used it that much though since nasa bahay lang naman siya madalas at minsanan ko lang siya isama sa mga transakyon simula nang umiral ang pagiging possessive ko. Just how obsession triggered the beast in me. Tsk.

"Ilang araw akong maghihintay?" Tukoy ko sa pagdating ng delivery.

"Tatlong araw ang pinakamabilis, nasa kabilang bahagi pa kasi ng planeta ang lokasyon ng pagawaan namin." Pinitik niya ang kanyang mga daliri at may nakasalamin na lalaki ang lumapit sa amin bitbit ang isang brown envelope.

"What's that?"

"Aphrodite-" Naputol ang sasabihin niya sa kasa ng mga baril na pumailanlang sa buong paligid, "Sandali, ipinabibigay niya lang ito." Nakataas ang isang kamay niya sa ere, senyales na wala siyang planong masama.

Nakaamba din ang mga armas ng tauhan niya sa amin.

"My people and I are not used in hearing her name these past few months."

Inabot niya sa akin ang envelope na kaagad ko namang tinanggap.

"Wala siyang sinabi basta huwag daw titignan ang laman hangga't hindi ka pa nakakauwi." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

What's that bitch planning to do? Tsk.

"What's inside this thing? Is this even safe for me to bring it home?"

"Oo. Sinigurado ko muna na walang pahamak ang dala niyan, mukha namang sulat lang yan o mga larawan. Files, maybe?"

Tumango ako at bago tumalikod ay inulit ko ang usapan at mga nakasaad sa kontrata bago ang araw na ito. Wala naman siyang sinabi na pagbabago kaya naglakad na ako pabalik sa kotse. Kaagad akong nilapitan ng mga tauhan ko at siniguro na walang nakaambang panganib sa paligid o sa kabilang panig.

Sumakay ako ng kotse at kaagad iyong pinaandar ni Isan palayo sa lugar.

"Sometimes, your worst nightmare can be the person you've trusted once." Hilot ang sentido na tinapon ko ang envelope sa gilid ng kotse.

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon