Chapter 14- Edited

3.2K 110 5
                                    

Reese

Ayaw bumuka ng bibig ko. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko gusto ang klase ng tingin ng asawa ko sa akin. Matalim, galit, at may kasamang hindi ko maipaliwanag​.

Kakausapin ko na ba siya? Pero galit siya sa akin. Hindi ko din maintindihan ang aking sarili. Kanina ay hindi ako mapakali hangga't di ko siya nakikita, ngayon namang katabi ko na siya sa silid na ito ay ayaw gumana ng utak ko.

"Bet you're surprised I'm back already? Or disappointed that I ruined your night?"

Hindi ako makagalaw o makakilos. Hindi ko kayang salubungin ang mga nag-uusig niyang tingin.

"You stink like shit. You drunk a cheap liqour. You smell cigarette. You inhaled the bad air in here." Matigas niyang dagdag.

Alam niyang nandito ako. Galit ba siya dahil hindi ako nagpaalam ng personal? Na si Cindy ang humingi ng permiso na dapat ay ako?

Hindi ko kayang titigan siya pabalik.

"So you're just gonna shut the hell up? No hi, no hello at all?"

Nanatili ako sa pagyuko at siya naman ay hindi din kumikilos sa kanyang pwesto. Ilang ako sa kanya.

I look like a kid, scolded by his Dad.

"Wife." Tawag niya sa akin. Hindi ko pa din siya nilingon.

"Sweetheart." Pangalawa.

Huminga ako ng malalim at humarap ako sa kanya. He looks so frustrated, and disappointed. He's pissed and weary also at the same time.

"Care to explain? What the fuck are you doing in this place? Uminom ka pa talaga. And then what? I saw you with Aidan earlier." Sinabunutan niya na naman ng kanyang buhok at hinila niya ako.

Nakulong ako sa bisig niya at naramdaman ko kung bakit siya nagkaganito. Ayaw kong magsalita. I want to savor this moment while I'm still inside his arms.

"Pinasara ko ang club ng pumasok ako dito. How I missed you so much, wife."

Masama ba kung iisipin ko na obsessed na ang asawa ko sa akin?

Gusto ko na nakatuon sa akin ang lahat ng kanyang atensyon, walang distractions. Walang negosyo, walang Mafia. Walang mga babae, walang problema. Pero hindi ang ganito. Walang ganito.

Ramdam ko ang pagmamahal, pero nasaan ang kalayaan? Kalayaan niya at kalayaan ko.

"You're worried, I'm sorry."

Hinagod niya ang aking buhok at hinalikan ako sa gilid ng aking taenga.

"Why don't you start explaining?"

"Pinagpaalam sa iyo ni Cindy na aalis kami ngayong gabi. Biglaan lang ang pagdating dito ni Aidan, wala naman kaming napag-usapan."

Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

"That brat deserves a punishment, she lied."

"Pero akala ko pumayag ka kaya nandito kami ngayon. Hindi ka din kasi nagpaparamdam kaya akala ko alam mo nang nandito na kami." Rason ko naman.

"Nag-alala ako ng sobra. I almost break some bones at home when I found out that you left. At dito pa?"

Niyakap ko siya pabalik.

"Don't blame Cindy, she just want me to enjoy."

"I doubt you were."

"Hmm." Walang kasiglahan sa buong club. Kadiliman lang ang nandito. Mga miserableng kabataan na hindi pa naiintindihan ang mga bagay bagay. They still need time to grow and get matured.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now