Chapter 4- Edited

4.2K 134 12
                                    

Reese

"Magandang umaga, Mrs. Boss. Tumawag ho ang asawa niyo at kanina niya pa kayo gustong makausap. Ipapaalam ko po ba sa kanya na nandito ka na?" Salubong sa akin ni Kristen pagkalabas ko pa lang ng elevator.

"Don't bother, Kristen. If he wants to talk to me, puntahan niya ako ng personal."

Wala akong gagawin sa bahay kaya napagpasyahan ko na pumunta ng opisina at magtrabaho kahit hindi naman kailangan.

Umuwi siya ng madaling araw at lasing. Nakatulog siya sa living room dahil sa sobrang kalasingan. Gumising siya ng mga bandang alas dyes ng umaga at nag-ayos, bumalik kaagad ng opisina.

Hindi naman siya katulad ko na kaya ang sobra sobrang pagpupuyat, pagod at inom.

Wala kaming pansinan simula pa kaninang umaga at miss ko na siya. Pero ayaw ko na ako pa mismo ang unang kakausap sa kanya at magbubukas ng topic. Intindihin niya din ako, hindi 'yung siya na lang ang iniintindi ko.

"Mrs. Boss, nag-away po ba kayo?"

"Our relationship is private, please respect it. Ano'ng gagawin ko dito? May interview pa ba?"

"Wala na po. Bukas ang examination and two days after din nun ang final interview."

"Ganun ba. Aalis na lang ako."

"Saan po kayo pupunta?"

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa labas at nag-isip sandali.

"I don't​ know. I need time alone."

Bitbit ang handbag ko ay lumabas ako ng opisina at nag-abang ng masasakyang taxi.

Hindi pa man ako nagtatagal sa paghihintay ay may tumigil na sports car sa harap ko. Bumukas ang pinto nun at nakangisi siyang nilingon ako.

"What's up, sister? Missed me?" It's Pierre.

"Ang yaman mo, kaninong kotse 'to?" Tanong ko ng hindi umaalis sa kinatatayuan ko.

"Nagsalita ang kayang bumili ng sobra sa sampo nito. Sakay na! Haha!" Excited niyang aya na pinaunlakan ko naman.

Tinanaw ko muna ang building at saka ako sumakay ng kotse. Pinatakbo niya ito kaagad ng mabilis.

"Baka mahuli ka sa bilis ng pagpapatakbo mo, Pierre."

"Hindi noh! Haha! Gusto ko ang ganito! Intense, sis!"

"Buntis ka ba?" Tanong ko na biglang nagpapreno sa kanya. Medyo tumaba siya at nagkalaman.

Kung wala lang kaming seatbelt ay baka sumubsob na kami sa harap ng kotse.

"Congratulations to me! Yes! Two months!" At binalik niya sa daan ang sasakyan.

Masaya ang mga buhay mag-asawa nila. Lahat sila, kung hindi nagdadalang tao ay may mga anak na.

Kompleto na ang pamilya nila, pero paano kami ni Ashton?

"Paano ba ako mabubuntis?" Tanong ko ulit. Kahit alam ko na ang sagot.

Baka kapag nabuntis na ako, mas maging open na siya sa akin.

"Gabi gabi kayong mag-stretching! Hahaha! Baliw! Bakit ganyan ang tanong mo ha? Pressured ka ba at hindi ka pa din nabubuntis? Vhon understands your situation, sister!" iniliko niya ang kotse at tumigil sa tapat ng isang bakeshop.

Naiintindihan nga ba?

Pero bakit parang lumalayo na siya sa akin?

"Twenty-five ka pa lang, huwag kang atat na magkaanak kaagad. Kita mo si Andy at Maria? Chill chill lang? Haha!"

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon