Chapter 37- Edited

2.2K 75 1
                                    

Reese

Ayaw ng pumatak ng luha ko. Ramdam ko na ang pagod at bigat na bitbit ng aking kalooban. Gustuhin ko man ang manghina, wala naman akong maramdaman. Gusto ko nang isuko ang responsibilidad ko kay Ashton. Gusto ko nang mamuhay ng tahimik at matiwasay. Ayaw ko nang makita ang mga tao niya na nagsasakripisyo. Ayaw ko nang mag-isip ng sobra kung ano ang mangyayari bukas.

Pagod na ang utak ko pero manhid pa din ang katawan ko. Gusto ko nang makapagpahinga. Gusto kong makalayo sa mga peligro at gulo na nakaamba sa pamilya ko.

Nadamay ang kapatid ko at si Anne. Ang mga kaibigan namin na nalaman kong hindi man lang nakapagpaalam ng maayos sa mga asawa nila. Ang mga binawian ng buhay dahil kay Aisha. Ang pagkawasak ng mumunting bayan ni Tatay Tomas at ang kanyang pagkamatay. Kung paanong nasira ang kainosentihan ni Wilfred, sa ikalawang pagkakataon.

At kung paanong nawasak ng tuluyan ang pag-asa ko na magkaroon ng simple at kompletong pamilya.

Bakit sa akin pa nangyari ang ganito? Ano ba ang kasalanan ko para mangyari sa akin 'to? Sira na kami ng asawa ko, nawalan pa ako ng anak.

Tatapusin ko na ang lahat ng ito. Buo na ang desisyon ko. Ayoko ng may madamay sa pagiging makasarili ng asawa ko.

Pinagmasdan ko ang natutulog kong anghel na hindi pa din humihinga. Pinakiramdam ko ang buong paligid sa pamamagitan ng pagpikit ko ng aking mga mata. Pinakinggan ko ang kaluskos na nagmumula sa kung saan.

"I'm sorry." Ilang beses niya na iyong sinabi pero hindi ko pa din siya sinasagot. Ni isang salita ay ayaw mamutawi sa aking mga labi. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masampal ko siya kanina na halos ikawalan niya ng ulirat. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sumbatan.

Hindi ko man gusto ang isisi sa kanya ang lahat ay ganun ang pumapasok sa aking isipan. Pilit nagsusumiksik sa utak ko ang mga rason kung bakit masama ang loob ko sa kanya. Kung bakit nawala ang anak ko.

No. She can still live. You have to take risk, just your blood and maybe, just maybe, she will start to breathe. Or maybe, she need a little time to wake up.

Susubukan ko ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ang patakan ng dugo ko ang aking anak sa labi at sana, gumana. Mukhang katangahan pero espesyal ako, kaya kong pagalingin ang sarili ko. Immune ako sa kahit anong sakit. At kahit doon man lang ay nakakaramdam ako ng pag-asa.

"Since family reunion niyo ito ay hahayaan kong manatili ka dito kasama ng kapatid mo." Sulpot ni Aisha, "And while waiting for your slutty sister, do yourself a favor. Don't make any move or else, I will blow your heads off. Lalo na ikaw, mukha mo pa lang ay wala ng gagawing mabuti." Turan niya sa akin. Nakagapos din ang kamay ko katulad kina Reed, katabi ko lang siya.

Umismid ako kung paano gawin iyon ni Pierre. Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka tumalikod.

Nilingon ko si Geneva na mataman ang pagkakatitig sa akin, mukhang naghihinala siya sa akin. Umiling iling na lang siya, ayaw niya namang magsalita. Nanibago ako kay Anne na kakatapos lang umiyak ng makalipat ako sa pwesto nila. She's the strongest woman I've ever met pero ngayon pa siya umiyak. Kung tutuusin ay kaya niya namang magtapang tapangan.

"I'm sorry... Wife." Naging malikot ang mga mata naming apat maliban kay Ashton pagkatapos niya iyong sabihin, "You can fool them but it won't work on me. I can feel it... I'm so sorry. For being stupid, a jerk, a useless husband. I'm sorry for breaking your heart. For being arrogant, selfish. I swear, pinagsisisihan ko na ang lahat." Nagsasalita siya ng mahina pero rinig na rinig ko iyon. Ang sensiridad sa boses niya. Kung paanong nahahaplos nun ang puso ko.

Ngunit nanatili akong walang kibo. Wala ni isa sa amin ang pinigilan siyang magsalita. Tapos na akong intindihin siya, sa ngayon ay kailangan kong tumayo sa aking sarili. Sa ngayon ay sarili ko na ang pakikinggan ko. Hindi ko na hahayaang diktahan niya pa ulit ako.

The Perfect Wife [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora