Chapter 33- Edited

2.5K 77 3
                                    

Ford

"Damn. I'm so tired." Sumalampak ako ng higa sa damuhan at ipinikit ang aking mga mata.

Kanina pa kami paikot-ikot. We are lost. Pareho pa naman kaming walang sense of direction ni Al. Paano na 'to ngayon? Wala naman kaming dalang cellphone. Napapaisip tuloy ako kung magkakasama pa din kaming pito hanggang ngayon ay baka hindi kami mawawala.

"Tangina talaga, pare. Gutom na ako at inaantok. Baka mamaya pala may mga nagkalat na wild animals dito." Naupo naman siya sa gilid ko at sumandig sa puno.

"What time is it?"

"12:47. Akalain mo yun, nakatagal tayo ng ganito."

"I miss my wife, I shouldn't have come here." Honestly speaking, I only care for Vhon and the child. Reese and the others can handle themselves. They vow for this, they fight to die for the Mafia.

Vhon is quite impulsive. Tsk. Hell, kung hindi kami mapapatay ng kalaban ay gutom at pagod ang makakapatay sa amin. Hindi pa alam ni Charry na nandito kami, halos lahat ng mga asawa namin ay walang alam na sumugod kami sa gyera.

"Baka may source ng tubig dito. Get up, we can't just sit here all night." Tinapik ko siya sa balikat. Padabog naman siyang bumangon at sumunod sa akin.

"Shh." Pigil niya sa akin.

Nilingon ko siya na kunot noo, "Bakit?"

"You know what? This is stupidity! I don't think it will work, besides, sa mukha at postora lang naman tayo magkatulad." Shit. Hindi ko na napigilan si Al nang tumakbo siya patungo sa direksyon ng nagsasalita, it's Pierre.

Binagalan ko ang paglalakad palapit sa kanila. There, I saw Reese standing beside her clone. Nagkakasagutan ang mag-asawa at blanko niya lang silang pinagmamasdan.

"Reese?" Tawag ko sa atensyon niya.

"Gawin mo na Pierre, wala na akong oras." Sabat niya sa mag-asawa.

"Hindi ako papayag! Tangina, mas mabuti pang umuwi na tayo kesa madamay ka pa dito. At iniwan mo pa talaga si Alierre sa kamay ng kapatid ko? Alam mo namang clumsy at tatanga-tanga si Solenn!"  Hinawakan niya sa braso si Pierre ng pigilan naman siya ni Reese sa kabila.

"Teka, ano ba talaga ang nangyayari dito?" Hindi ako papayag na wala man lang akong masabi dito.

"Alejandro is overreacting." Sagot ni Reese, "Pinapasalita at pinapakilos ko lang naman si Pierre kung paano niya kausapin ang asawa ko. At kung paano siya magsasalita ng mga biro niya."

"Ha?" Halos batukan ko si Al, ganun ba talaga kami ka baliw pagdating sa mga asawa namin?

"May photographic memory ako, hindi ko madalas makita si Pierre kung paano niya kausapin ang asawa ko at wala din akong alam kung paano siya makipag-usap sa inyo." Reese

Ganun ang napapala kapag kinukulong ka ng asawa mo sa bahay niyo.

"So what will happen to my wife after?" Tanong sa kanya ni Al.

"Honeybabes, uuwi na ako pagkatapos. Aakto lang naman si Reese na ako para makalapit siya sa mga tauhan ni Aphrodite, at kapag nagtagumpay ang balak niya ay saka siya kikilos." Sagot sa kanya ng kanyang asawa.

"Ah. Oh sige, dali na." Al

"You are stupid, Al." Sabi ko na lang sa kanya.

"So ganito 'yon. Ehem." Humugot siya ng malalim na hininga at ngumiti, "Brother-in-law, kamusta naman kayo ng sis ko? Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya mabubuntis? Ang hina mo naman, nakadalawa na sina Ford tapos kayo wala pa rin?" Maliban sa amin ay walang nakakaalam na nabuntis si Reese, at kung nasaan na ang anak niya ngayon. Damn. Tama si Vhon.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now