Chapter 21- Edited

2.9K 99 6
                                    

Reese

Napabalikwas ako ng bangon at patakbong nagtungo sa banyo. Yumuko ako sa lababo at nagsusuka. Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin at kapagkuwan ay nag-ayos ng aking sarili.

Wala naman akong maalala na masamang nakain kagabi, bakit kaya? Bumaba ako at nakita ko si Anita at Wilfred na nagkukulitan. Nakatira ako kasama nina Tatay Tomas at Anita dito sa maliit nilang bahay na may dalawang palapag.

"Magandang umaga, Reese!" Tumakbo kaagad ang bata sa akin at niyakap niya ako. Sadyang masiyahin siya at nakakatuwang kausap.

"Magandang umaga din sa inyo, nasaan si Tatay Tomas?"

Iginiya ako ni Wilfred sa hapag at pumwesto din sila sa harap ko.

Maaga pa, hindi pa masyadong maliwanag sa labas ngunit maingay na ang buong paligid. Maaga kung gumising ang mga tao dito, bata man o matanda ay nagtutulungan sa paggawa ng bakod na nakapalibot sa buong bayan. Karagatan din pala ang dulo nito at masagana ang kuha nila sa pangingisda.

Sa dalawang linggo ng paninirahan ko dito ay nalibot ko na ang buong bayan, nakilala ko na ng lubusan sina Tatay Tomas at alam ko na ang pasikot sikot dito. Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay kay Anita, nagsisilbi ng meryenda sa mga trabahador at nagbabantay din minsan sa bakod dahil salitan ang mga tao dito sa pagmamatyag sa paligid lalo na tuwing gabi.

Nasa tatlong daan na lang ang populasyon nila at nanganganib nang kumonti pa. Para na silang barangay kung maituturing. Malawak ang lupang kanilang kinasasakupan, malayo sa sibilisasyon at sadyang liblib kaya madalang lang ang napupunta dito.

"Parang hindi ka na nasanay kay ama, hayun at nasa pampang na naman. Nahuli ka yata ng gising?" Sagot ni Anita. Napakabata pa pala niya pero mukha na siyang kaedad ko. Labinsiyam lang siya ngunit sanay at batak na ang kanyang katawan sa pagtatrabaho.

Kahit ako man ay nagtaka at nahuli ako. Daig pa ng katawan ko ang may body alarm at gumigising ako sa tamang oras. Ito ang unang beses at kakaiba dahil nagsuka pa ako. Parang kumakalam pa ang sikmura ko kahit hindi naman ako nagugutom.

"Napuyat lang siguro ako kagabi, napagod din ako dahil sa dami ng ginawa natin kahapon." Tumango siya bilang sagot at hindi na nagtanong pa, "Wilfred, gusto mo ba nito?" Ipinakita ko sa kanya ang tinolang manok at um-oo naman siya.

"Sa tingin mo ba ay kaya ko nang ipagtanggol ang aking sarili?" Anita

"Konti na lang basta ba't magtiwala ka lang sa sarili mo. Hindi madali ang maging isang bihasa sa larangan ng pakikipaglaban."

"Maging tapat ka sana Reese, may potensyal ba ako?" Seryoso niyang tanong.

"Oo at walang duda iyon."

Tahimik naming tinapos ang almusal at naglakad lakad ako kasama ni Wilfred sa labas. Lahat ng nakakasalubong namin ay binibigyan ako ng ngiti. Pinipilit ko namang gumanti sa kanilang lahat kahit wala akong gana na ngumiti.

"Reese, may asawa ka na diba? Makisig ba siya?" Nilingon ko siya at hinawakan ang kanyang balikat. Matangkad ang batang ito, nasa 4'5 na ang kanyang tangkad kahit walong taong gulang pa lang siya. Gwapo na din at may ibubuga kung talino ang pag-uusapan.

"Oo at isa pang oo Wilfred, makisig nga siya at ubod ng kagwapohan. Matangkad siya kesa sa akin at matipuno." Sinariwa ko sa aking isipan ang kabuuan ng aking asawa. Kung paano niya ako kausapin at lambingin. Habang patagal ng patagal ay nadadagdagan ang pangungulila ko sa kanya, hindi ko na pinapalalim pa iyon at baka umuwi ako bigla.

Kailangan kong mgtiis. May misyon pa ako sa bayang ito, na kumupkop at tumanggap sa akin.

Wala na sina Geneva at Aidan, dalawang gabi lang ang inilagi nila dito at katulad ng sinabi ni Tatay Tomas ay pinaalis niya sila kaagad ng sumapit ang umaga. Ayaw ko din naman na madamay pa sila kung sakaling sumugod si Aphrodite dito. Ako ang haharap sa kanya, kami ang matutuos.

The Perfect Wife [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat