Chapter 39- Edited

2.3K 76 1
                                    

Reese

Dinilaan ko ang dugong tumulo mula sa gilid ng aking labi. Nabibigatan na ako sa aking sarili pero pilit pa din akong lumalaban at umiilag sa mga atake sa akin.

Dama ko ang paglandas ng espada sa aking tiyan. Kaagad din naman iyong naglaho na parang bula pero nabasa na naman ng dugo ang damit ko. Tinapunan ko ng tingin ang aking pamilya na seryoso at tensyonadong nakasubaybay sa mga nangyayari sa akin.

Ang mga solar lights na waterproof na nakatuon sa amin ang nagbibigay liwanag at ako na lang mag-isa ang pinaglalaruan ng mga tauhan ni Aphrodite. Si Alejandro ay nandoon na sa tabi nina Aidan at Geneva na hanggang ngayon ay wala pa ding malay. Nasa apat na oras na akong nakikipaglaban at kahit hindi ko aminin ay ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko. Ngunit hindi ako pwedeng magpatalo, hindi ako pwedeng sumuko.

May ilan na din akong nabalian ng buto sa tuhod at braso, may dalawa na akong napatay at may kritikal na din ang kondisyon dahil sa ginagawa ko. Kung ito ang isang paraan para mabawasan ko sila ng unti-unti ay mas gagalingan ko pa ang paglaban.

Napaluhod ako ng may matigas na bagay ang tumama sa aking mga tuhod. May sumigaw na nagmumura ngunit hindi ko na siya nilingon ng sa mukha ko naman tumama ang isang malaking kahoy. Natumba ako at naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi na tinamaan. Sandali akong nahilo.

Tatawa-tawang lumapit sa akin ang dalawang babae. Masasabi kong sila siguro ang mga malalakas na tauhan ni Aisha. Skilled. Malinis ang bawat kilos. Malalakas at maliksi kung gumalaw. Kanina ay lima sila ngunit ng makita ni Aisha na pagod na ako ay tinira niya ang dalawa upang patulugin ako. Pero hindi ako mabilis na mapapabagsak.

Umikot ako ng tatlong beses upang iwasan ang pagsubok nilang apakan ako. Maliksi ang pagkilos ko upang umiwas nang maglandas ang dalawang espada sa harapan.

"Mag-iingat ka!" Sigaw ni Ford.

Sanay na ako at kaya ko silang sabayan.

Tumambling ako at nasipa ang kamay ng isa. Napaatras sila at patakbo akong tumalon upang makuha ang lumipad na espada. Nang nahawakan ko na ito at umikot-ikot ako at sinasayaw iyon. Papasugod na ako ng may narinig akong putok ng baril. Namamanhid ang kanang hita ko ngunit hindi naman ako natumba.

May tumusok na crossbow arrow sa kanan kong hita ulit at sunod naman sa kanan, may wire iyon. May malamig na bagay pa ang pumulupot sa aking leeg, kadena. Hinawakan ko iyon at akmang hahatakin ng napigilan ako. May naunang humatak sa nakatusok sa akin. Doon na ako tuluyang bumagsak ng malakas sa lupa.

"Fuck! Stop it! You bitch!" Napapikit ako ng mariin, ang asawa ko.

Hindi ako pwedeng mapabagsak ng ganito lang. Hawak hawak ko pa din ang kadena upang hindi ako masakal. Napamulat ako at nakatingin sa madilim na kalangitan. Malungkot ang langit, nakatago ang buwan at walang mga bituin. Wala ni isa. Dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Malapit na pala ang pasko. Hindi ko man lang nabilhan ng mga regalo ang buo kong pamilya.

May pumatak na tubig sa aking pisngi. Paunti-unti hanggang sa dumami na sila. Parang hindi ko alintana ang sitwasyon ko. Parang wala kami sa panganib. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako na nababasa ng ulan sa gitna ng lahat na nandito.

Umigtad ang katawan ko ng sabay sabay nilang hatakin ang crossbow arrow sa hita ko at ang kadena. Nasa gitna ako ng pakikipaghatakan nang nasa gilid ko na si Aisha. Basa na din siya ng ulan. Sinipa niya palayo ang espada.

"Wife! Aisha, you piece of shit!" Rinig ko pa din ang pagmumura ni Ashton. Ni minsan, hindi niya pinaramdam na sinukuan niya ako. Ngunit ako, I let him down. I made him suffer. I left him.

Huminga ako ng malaim, hindi ito ang oras para sa ganun.

Malalaki ang butil ng ulan. Kung sa iba ay masasaktan sila tiyak dahil mabigat ang tama nito sa balat.

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon